^

Probinsiya

Hostage-drama: Suspek utas, 2 sugatan

Cristina Timbang, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 33-anyos na hostage-taker na sinasabing nanaksak ng dalawang bihag matapos itong barilin ng mga tauhan ng pulisya sa naganap na hostage-drama sa Barangay Salitran 1 sa Dasmariñas City, Cavite noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang  hostage-taker na si Peter Adricula, 33, ng Phase 2 sa Regina Ville 2000 sa Barangay Inocencio saTrece Martires City, Cavite.

Ginagamot naman sa Emilio Aguinaldo Medical Center sina Marian Tarazona, 20; at Janielsa Fajanil, 8, habang nakaligtas naman si Jeremiah Fajanil, 1, mga nakatira sa Rembulat Compound sa nasabing barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, pinasok ni Adricula ang residential compound saka nagtuloy sa apartment ng mga biktima bandang alas-2 ng hapon.

Gayunman, hinostage ni Adricula ang tatlo kung saan nakikipagnegosasyon ang mga awtoridad ay pi­nakawalan si Jeremiah bandang alas-3 ng hapon.

Napagtanto ng pulisya na wala sa katinuan si Adricula matapos itong mag-demand ng sasakyan at television crew.

Bandang alas-5:45 ng hapon nang magsimulang saksakin ng susperk ang dalawang biktima kaya napilitang pagbabarilin ito ng pulisya.

Naisugod pa sa Paga­mutan ng Dasmariñas si Adricula subalit idineklarang patay habang nagtamo naman ng ilang saksak ang dalawang biktima su­balit nasa mabuti namang kalagayan.

vuukle comment

HOSTAGE-DRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with