^

Police Metro

3 utas sa riding in tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa
3 utas sa riding in tandem
Tatlong katao ang naiulat na binaril at napatay ng mga riding-in-tandem criminals sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City.
File photo

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang naiulat na binaril at napatay ng mga riding-in-tandem criminals sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Sta.  Ana Hospital ang biktimang si William Lopez, 32, binata, ng Road 16, Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila nang buntutan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo kahapon ng alas-2:00 ng mada­ling araw habang ito ay nagla­lakad sa nasabing lugar.Hindi pa tukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek.

Sa Quezon City, dalawang katao ang naiulat na nasawi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa magkahiwalay na barangay.

Nakilala ang mga nasawi na sina Michael Angelo Napoles, 19, ng Phase 3, Block 5, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, QC; at Jayson San Diego, 39, ng Block 6, Lot 13, Verbera St., Brgy. West Fairview

Base sa pagsisiyasat, dakong alas-11:00 ng gabi nang atakehin ng riding-in-tandem criminals ang biktimang si Napoles sa may  kahabaan ng Phase 3, Block 6.

Dakong alas-12:00  ng madaling araw nang barilin naman ng isa sa apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo si San Diego sa may kahabaan ng Dahlia St., kanto ng Regalado A­venue, Brgy. Greater Fairview, QC.

Kasalukuyan nakatayo sa lugar ang biktima nang dumating ang dalawang motorsiklo na walang plaka sakay ang mga suspek at bumaba ang backrider at binaril sa ulo ang una.

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with