^

Bansa

Edukasyon prayoridad ni RJ sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Edukasyon ang isa sa prayoridad sa Caloocan City ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Liberal Party (LP) mayoralty candidate Ricojudge “RJ” Echiverri kapag nanalo itong alkalde ng lungsod sa darating na May 13 election.

Ayon kay Echiverri, ang edukasyon ang isa sa magiging sandata ng mga kabataan upang marating ng mga ito ang kanilang pinapangarap at ito rin ang paraan upang maabot ng mga estudiyante ang kanilang hangaring uma­ngat sa buhay.

Isa sa mga inilaban ni RJ na mabigyan ng katuparan ay ang pagpapatupad sa Section 393 ng Local Government Code kung saan ay mabibigyan ng libreng tuition fee ang mga anak ng mga barangay officials sa buong Pilipinas sa lahat ng state universities at colleges.

Naging katuwang din ito ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa pagbigay ng solus­yon sa lahat ng suliranin ng mga pampublikong paaralan kabilang na dito ang pagpapagawa ng 640 classrooms na nagagamit ngayon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.

Nangako pa si RJ na itutuloy nito ang mga sini­mulan ng kanyang ama na nagpabago at nagpaunlad sa lungsod upang higit pang makilala ang Caloocan City sa iba’t ibang larangan kabilang na dito ang pagbibigay ng mga kapaki-pakinabang na proyekto sa mga residente.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

EDUKASYON

LIBERAL PARTY

LOCAL GOVERNMENT CODE

PILIPINAS PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with