^

Probinsiya

P1.1-B liquid shabu, nasamsam

Jerry Tundag - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa P1.1 bilyong halaga ng likidong shabu (metamphetamine) na sangkap sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Group at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na operasyon sa isang bahay na ginawang laboratoryo ng shabu sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Leonardo Suan, deputy director ng PNP-AIDG, bandang alas-9 ng umaga nang sala­kayin ang isang bahay sa #2-7 Don Vicente Street sa Villa Dolores Subdivision, Brgy. Sto. Domingo sa nasabing lungsod.

 “Ito pong liquid shabu, ito po ‘yung last process sa pag- manufacture ng shabu which is the last step is crystalization. itong liquid shabu kapag nilagay mo sa freezer mag-crystalize na po ito,” paliwanag ni Suan sa 45 malalaking gallon ng liquid shabu na nasamsam sa operasyon.

“We suspected na itong lugar is gagawin talaga nilang full blast shabu laboratory. Kumpleto po sila ng equipment. Meron na silang hydrogen, suction pump and other chemicals po like suspected ephedrine,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, ayon naman kay Regional Director Gladys F. Rosales, ang sinalakay na bahay ay nasa kategor­yang mega-industrial shabu laboratory na maaaring mag-produce ng 50 kilong shabu sa isang production cycle.

Nabatid kay Rosales na ang bahay ay inupahan ng mga Taiwanese kay Atty. Orlando Pangilinan noong Hulyo 2015 subalit hindi nakabayad simula noong Abril 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Tinukoy lang sa alyas na Chang ang isa sa Taiwanese na nakipag-usap sa may-ari ng bahay.

Gayunman, wala sa bahay ang limang suspek  kabilang ang tatlong Taiwanese nang magsagawa ng operasyon na pinaniniwalaang nakatunog at mabilis na nakatakas. Napag-alamang ang nasabing bahay ay dating tirahan ng aktor na si Robin Padilla.

Nasamsam naman ang apat na freezers, iba’t ibang hydrogen tanks, dalawang kilo ng white crystalline substance (shabu) at 45 gallon ng liquified shabu.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with