^

Probinsiya

4 drug pusher utas sa drug bust!

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  - Apat na kalalakihan na pawang sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu ang nasawi matapos na kumasa sa puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa Brgy. Tigbe, Norzagaray at Brgy. Mabolo, Malolos City sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala ang mga suspek na sina Cyruz Fabian, isang alyas Renato Taba kapwa mga residente ng Brgy.Tigbe sa Norzagaray, isang alyas Enteng at isa pang alyas na Noli, kapwa ng Brgy. Mabolo sa Malolos City.

Sa ulat sa Kampo Alejo Santos, dakong alas-10:30 nitong Huwebes ng gabi unang isinagawa ng pulis­ya ang operasyon laban sa mga suspek na sina Fabian at Taba matapos na mukumpirmang patuloy silang nagbebenta ng shabu sa Brgy. Tigbe. Habang inaaresto matapos na mapagbilhan ang isang poseur buyer na pulis ay tinangka umano nilang manlaban subalit naging maagap ang pulisya na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Dakong alas 4:30 naman ng madaling araw ay nakipagkita ang isa pang poseur buyer na pulis sa mga suspek na sina alyas Enteng at alyas Noli upang bumili ng binebentang items sa Brgy. Mabolo at nang ibinibigay na ang items kapalit ng marked money ay biglang nakahalata at saka agad na binunot ang armas ngunit naunahan sila ng alertong mga pulis at mga ahente ng PDEA na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober sa dalawang operasyon ang anim na pakete ng shabu, anim na pakete ng marijuana, tatlong .38 revolber na baril, isang improvised shotgun, mga iba’t ibang bala at P900 marked money. 

vuukle comment

CYRUZ FABIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with