Simula na ang bakbakan sa MBL
MANILA, Philippines - Simula na ang bakbakan sa 2017 MBL Open basketball championship ngayon kung saan kaagad magtutuos ang nagdedepensang FEU-NRMF-Gerry’s Grill at Victoria Sports-MLQU sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.
Sa pangunguna ni 2016 MVP Clay Crellin, ang Fairview, Quezon City-based Tamaraws nina manager Niño Reyes at consultant Pido Jarencio ay itinuturing na team to beat sa prestihiyosong kumpetisyon na ginaganap sa ika-18th sunod na taon.
Si Crellin, ang 6-4 Fil-Canadian sensation na lumikha ng malakas na ingay nung nakalipas na taon, ay muling mangunguna sa opensa ng FEU-NRMF na sasabak laban sa mas pinalakas na Victoria Sports-MLQU simula sa alas-7:30 ng gabi.
“I can’t wait to get started,” pahayag ni Crellin, ang high-flying, slam-dunking mula sa Vancouver, Canada.
Makakatuwang ni Crellin ang import na si Moustapha Arafat, ex-PBA stars Jerwin Gaco at Egay Billiones at beteranong sina Erwin Sta. Maria, Edwin Asoro, Eugene Tan, Dexter Zamora at Christian Manalo.
Ang mga PBA D-League veterans na sina Nikko Lao at Jason Grimaldo naman ang mamumuno sa Victoria-MLQU, na umaasang muling papaimbulog sa tulong nina coach Rainier Carpio at playing-manager Jomar Acuzar.
Ang EAC, runner-up sa FEU-NRMF nung nakalipas na taon at Wang’s Ballclub-AsiaTech ay magtutuos naman sa alas-6.
Ang Generals ay pangungunahan nina EAC president Dr. Jose Paulo Campos at coach Ariel Sison, habang ang Wang’s Ballclub ay tatapatan nina businessman-sportsman Alex Wang at coach Pablo Lucas.
Kabilang sa lineup ng EAC sina Jeric Fiego, Rustan Bugarin, Haspee Altiche, Edric Estacio, Edlor Cayabo, Christian Ubay, Allan Martin, CJ Cadua, Arjel Natividad, Jozhua General, Mark Gonzales at Cedric Umali.
Para sa Wang's-Asia Tech, maglalaro sina John Tayongtong, Rey Publico, Mark Montuano, Steven Cudal, Eric King, Jhon Montemayor, Mar Reyes, Jacob Lucas, Tey Tellores, Argen Sanalza, Loloy Lucas, Marvin Altarejos at Edmar Padua.
- Latest