^

Bansa

E-trike program nilunsad, 50 ‘eco-friendly’ trikes ipinamahagi sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa layuning  mapabuti ang  programang kabuhayan ng mga mahihirap na driver ng tricycle, pedicab, at kuliglig sa lungsod,  inilunsad ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang electric tricycle (E-trike) program  sa Binondo kung saan 50 E-trikes ang ipamamahagi sa unang grupo ng mga drivers.

“Tulong-pangkabuhayan natin ito sa mga Manilenyo, lalo na sa mga nagba-boundary lang ng tricycle at pedicab. Dito ay magkakaroon na sila ng kanilang sariling tricycle at kikita pa sila ng mas malaki,” ani  Estrada.

Ayon kay Estrada, walang babayarang boundary at sagot  ng pamahalaang lungsod ang gastos sa pagtsa-charge ng baterya ng E-trike. Bunsod nito,  mababawasan  rin ang air pollution sa mga lansangan.

Sa ilalim ng programa, huhulug-hulugan lang ng driver ang kanyang E-trike ng P150 kada araw sa loob ng apat na taon na walang interest.

Ang unang grupo ng 50 driver-beneficiaries ay pawang mga taga-District 3, ang napiling pilot site ng E-trike project. Sakop ng District 3 ang Binondo, Quiapo, San Nicolas, at Sta. Cruz.

May eksklusibong ruta ang E-Trikes upang hindi maapektuhan ang ruta ng mga de-gasolinang tricycle. Bukod sa Binondo, kalaunan ay ilulunsad din ang proyektong ito sa Malate, Ermita, at University Belt.

Bumili ang pamahalaang lungsod ng 280 units ng E-trike sa halagang P400,000 bawat isa. Ang Manila Electric Co. (Meralco) naman ang nagtayo ng mga charging stations,  isa dito ay nasa Binondo.

Tumatakbo sa baterya ang E-trike na tsina-charge ng mula apat hanggang limang oras lang. Kaya nitong magsakay ng hanggang anim na pasahero at may bilis na 40-45 kilometro bawat oras.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with