^

Krema

Krema (89)

TO THE QUICK - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG kang kabahan, Mama at hindi naman masasamang tao ang kausap ko. Mga negosyante sila. Nag-down na nga ng P50K,’’ sabi ni Lex sa ina nang mahalatang nag-aalala ito.

“Sana hindi ka muna nakipagkumpromiso. Sana ay pinaalam mo muna sa akin.’’

“Mama, maliit na bagay lang ito. Papakyawin lang nila ang lahat nang produkto sa bukid at tapos na. Babayaran na ako nang walang kahirap-hirap.’’

“Kinakabahan talaga ako Lex. Baka naman puwede mo pang iatras ang pakikipag-usap sa mga taong iyon.’’

“Hindi na nga puwede Mama dahil nag-down na sila.’’

“E di isauli mo. Mahirap bang gawin ‘yun?’’

Hindi na sumagot si Lex. Napahinga nang malalim. Nakukulitan na siya. Kung bakit nadulas ang dila niya nang sabihing yayaman na siya. Siya rin ang dapat sisihin kaya nag-alala ang mama niya.

“Palagay ko ay nagahaman ka sa pera, Lex. Hindi ka papayag kung wala kang interes na yumaman agad. Masama ang maghangad nang sobra-sobra Lex. Di ba noon pa’y nagpapaalala na ako sa’yo. Nalimutan mo na ba ang advice ko sa’yo?’’

“Hindi ko nalilimutan Mama.’’

“Kung ganun, bawiin mo ang pakikipagkasundo sa mga taong kausap mo.’’

“Okey Mama. Sige at may gagawin pa ako.’’

“Sige, mag-ingat ka.’’

Problemado si Lex.

Pero hindi niya susundin ang kanyang mama.

KINABUKASAN, nag­lilinis ng bahay si Lex nang maramdamang may dumara-ting. Nang silipin niya sa bintana, nakita niya si Dang. May dalang maleta ng damit. Nag-iisa lang ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with