^

Probinsiya

Tulak-droga bulagta sa buy-bust

THAT DOES IT - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang 44-anyos na sinasabing notoryus na magnanakaw ng baka at kalabaw na suma-sideline sa  drug trade matapos nitong tangkaing makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Del Rosario sa bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Tatlong tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Pedro “Onglo” San Jose ng Sitio Boncao, Barangay Curry. Nabatid na si San Jose ay sinasabing lider ng San Jose Cattle Rustling Group na nagnanakaw ng mga kalabaw at baka sa mga bayan ng Pili at Ocampo. Sa police report na nakarating sa Camp General Simeon Ola, nakabili ng shabu ang poseur-buyer sa suspek. Tinangkang arestuhin ang suspek subalit sinubukan nitong bumunot ng baril ngunit naunahan siya ng mga pulis at napatay. Narekober sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu, cal. 38 revolver at mga bala.

vuukle comment

BULAGTA SA BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with