^

PSN Showbiz

Misis ng aktor, sinugod ang sexy actress na leading lady ng mister!

PERSONAL CHOICE - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nu’ng kamakalawa ng hapon lang pala nakalabas ng hospital si Sen. Bong Revilla pagkatapos siyang isinugod sa St. Lukes Global nu’ng nakaraang linggo. Pero hanggang sa paglabas nito ay namamaga pa rin ang kanang kamay niya dahil sa Tenosynovitis.

Dadaan pa raw sa therapy si Sen. Bong kaya hindi pa masasabing magaling na magaling na siya.

PAK: Matagal muna nag-isip si John La­puz kung alin sa ABS-CBN 2 o GMA-7 ang mas ma­ra­ming Working Beks na ‘di pa buko. At aminado siyang mas lamang ang sa Kapamilya network. Mga 8 against 6 daw kung ikumpara sa Kapuso network. Pero sabi naman niya, itong mga ‘di pa buko na beking aktor at singers ay mababait naman daw at kasundo niya. Ewan ko mag-o-open ang mga beking ito. Hindi kagaya ni Prince Stefan na open na open na ngayon. 
Isa si Prince sa bida sa pelikulang Wor­king Beks ng Viva Films kasama sina Edgar Allan Guzman, Joey Paras, at TJ Trinidad na magsu-showing na sa Nov. 23.

Out na out na si Prince sa kanyang kabadingan at mas masaya na raw siya ngayon, hindi kagaya dati na hirap na hirap siyang magpakalalaki.

BOOM: Tikom ang bibig ng mga artista at staff ng isang top rating drama series tungkol sa insidenteng pagsugod ng misis ng lead actor.

Ayon sa kwento, nag text daw si misis sa isa sa casts ng seryeng ito na isang sexy actress. May pagseselos na naramdaman si misis sa closeness ni sexy actress sa asawa nito. Pagkatapos daw mag-text ng misis sa sexy actress ay biglang um-apir ito sa set bibit ang baby nila ng lead actor. Hindi lang namin knows kung ano ang text ng misis sa sexy actress pero naloka raw ang huli. 
Sabi ng mga taong involved sa serye, wala naman daw gulo o eksenang nangyari pagdating ng misis. Dalaw lang naman daw ito pero sa totoo lang, may purpose ang pagpunta niya dahil medyo may kakatihan naman talaga ang lead actor na maaaring may basehan kung bakit may pagseselos na nararamdaman ang misis nito.

Ang pagkakaalam namin, magkaibigan naman ang misis at ang sexy actress. Bakit kaya may pagseselos na ngayon? How true na ang misis pa nga raw ang nag-suggest na bagay ang sexy actress sa role na iyon.

vuukle comment

SEN. BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with