^

Pang Movies

Maine wala nang pakiramdam sa bashers!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Five years nang nagsusulat ng personal blog niya ang tinaguriang phenomenal star na si Maine Mendoza. Kaya naman hindi kataka-taka kung magkakaroon siya ng sariling libro. Mahusay magsulat si Maine at detalyado ang mga sinusulat niya sa kanyang blog. Kung tahimik siya sa set ng teleserye nila ni Alden Richards na Destined To Be Yours, tiyak na nagsusulat siya.

Kahit nga nang pumunta sila ni Alden para sa US show nila ay dala niya ang laptop niya at humingi pa siya ng two days extension to stay in New York para matapos na ang book dahil may deadline na ito for publication.

Ano ang kaibahan ng kanyang ginagawang libro kaysa ibang libro tungkol sa showbiz?  Bukod sa siya nga ang personal na sumulat nito, may mga kinuha rin daw siya sa kanyang personal blog titled The Pessimistic Optimist Bella.

“Tungkol ito sa personal life ko, sa mga personal experiences ko, my feelings, hindi ito tungkol lamang kay Yaya Dub o sa mga characters na nagampanan ko na at ginagampanan ngayon sa movie at TV.  It’s all about Maine Mendoza,” sabi ni Maine.

Handa ba siyang ma-bash pa rin kapag lumabas na ang kanyang libro?

“Opo, ako kasi masyadong pessimistic na tao, kaya nasanay na rin ako. Binibisita ko rin mga accounts nila para malaman ko kung ano ang sinasabi nila tungkol sa akin, binabasa ko pero hindi ako sumasagot sa kanila. Sa totoo lang, siguro sasa­bihin nilang weird, pero hindi ako naaapektuhan, feeling ko pa nga parang motivation sa akin ang pangba-bash nila, pero hinahayaan ko na lang.”

Wala pang title ang book pero sabi ay ang Summit Books pa rin ang magri-release ng book, tulad noong libro ni Alden. Sabi ay ngayong May ang release ng book.

Ngumiti si Maine nang ta­nungin kung may sariling chapter sa book niya tungkol kay Alden, basta excited na raw siyang i-share ang kanyang thoughts and feelings ngayong nasa showbiz siya.

Lotlot nakipagkita sa totoong ama at mga kapatid

Nag-post si Lotlot de Leon sa kanyang Instagram from Detroit, Michigan, bago siya bumalik ng Pilipinas, dahil nag-side trip siya roon from attending the Houston International Festival kung saan nanalo siyang Best Supporting Actress for her movie 1st Sem.

Binisita ni Lotlot ang biological father niya at mga kapatid na pawang mga babae.

“There are not enough words to express how happy I feel... To my sisters, Ate Donna (who brought all of us together, thank you ate!) Dawn and Myria...thank you for taking your time to see me.  Thank you for being wonderful and so loving.  I have loved all of you even before I met you..To Papa and Tita Vicky, thank you for all the warmest hugs and love.  I’ll see you again soon, ok?  It was the best 2 days!”

Hindi nagtagal sa bakasyon si Lotlot dahil kailangan sa Destined To Be Yours kung saan gumaganap siyang ina ni Benjie (Alden Richards). Sa direksyon ni Irene Villamor, napapanood ang tele­serye nina Alden at Maine gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia.

 

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with