^

Probinsiya

Trak vs 4 motorbike: 6 utas

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato , Philippines  - Anim-katao ang namatay habang pito naman ang nasugatan makaraang araruhin ng trak ang apat na motorsiklo sa kahabaan ng Davao-Cotabato Highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay sina Rex Agpala Carino, 27; at Junjun Alimahan, mga nakatira sa Barangay Kibudoc sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, patungong bahagi ng Cotabato ang trak (PTM750) ng softdrinks mula sa Davao City nang nawalan nang kontrol.

Gayunman, pagsapit ng trak sa harap mismo ng Malasila Elementary School ay inararo ang apat na motorsiklo na sinusundan nito.

Nadamay din sa road mishap ang isa namang babae na nag-aabang lamang ng masasakyan sa highway ay nahagip din.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng apat pang namatay habang  nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng trak na si Julius Cadaba.

vuukle comment

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with