^

Metro

Heat stroke break ipapatupad ng MMDA sa kanilang enforcers

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil sa sobrang init ng panahon at para maiwasan  ang atake, nakatakdang ipatupad  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat na oras na ‘heat stroke break’ ngayong summer sa mga naka-deploy nilang traffic enforcer sa mga pa­ngunahing  lansangan ng Kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA officer in charge Tim Orbos, mula sa walong oras, gagawing apat na oras ang magiging duty sa lansangan ng mga naka- deploy na traffic enforcer ngayong summer.

Dati-rati ay 45-minutes break lang ang pinatutupad ng MMDA  sa mga traffic enforcer nilang nakababad sa init. Subalit, planong ipatupad ng MMDA ang alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon na break.

“The break shall be on a staggered basis from 10 am up to 2 pm, which is considered the hottest part of the day,” ani Orbos.

Sinabi ni Orbos, layunin nito ay upang proteksiyunan ang kanilang mga kawani na  naka-duty sa labas tulad ng nakamamatay na “heat stroke”.

Sa ilalim aniya ng  heat stroke policy, pinapayagang umalis ng kanilang designated post ang isang  traffic enforcer pagkatapos ng apat na oras na duty nito sa lansangan.

Ang natitirang apat na oras na duty ay maaari aniya itong  magbabad sa loob ng tanggapan ng MMDA o satellite office para sa gawain namang  pang opisina.

Kung saan magiging rotation ang implementasyon ng “four hours heat stroke break”, ibig sabihin hindi lahat ng enforcer ay hindi magdyu-duty sa nasabing mga oras, magiging salitan ang mga ito.

Plano ring maglagay ang pamunuan ng MMDA ng traffic enforcer outpost sa ilang strategic area sa Kalakhang Maynila na magiging pahingahan ng mga ito.

vuukle comment

HEAT STROKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with