^

Krema

Krema (156)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SORRY sa marahas kong tanong, Krema. Nabigla ako,” sabi ni Lex makaraang itanong nito kung virgin pa si Krema. Napaka-ungentleman na tanong.

Hindi sumagot si Krema na parang nagtampo sa mga hindi magandang tanong ni Lex.

“Patawad, Krema. Masyado lang akong nabigla sa mga pangyayari. Hindi ko talaga inaasahan ang ganito. Nabigla talaga ako.

“Pero ang isang dapat mong malaman, mahal na mahal kita. Lalo kitang minahal, Krema.

“Ngayong alam ko nang hindi pala kayo talaga mag-asawa ni Tiyo Mon, lalo lamang nahulog ang loob ko sa’yo. Maniwala ka sa akin, Krema. Gusto ko, ituloy natin ang magandang istorya ng pag-ibig na ito. Kakaibang kuwento ito ng pagmamahalan. Paniwalaan mo ako Krema. Gusto ko, makasal na tayo. Ayaw ko nang magtagal pa ito.’’

Si Krema naman ang hindi makapaniwala. Nagyayaya na ng kasal si Lex. Kasal agad?

“Totoo ba ang sinasabi mo Lex?’’

“Oo Krema.’’

“Paano mo ako ipakikilala sa mama mo? Baka kung ano ang isipin niya? Baka magtaka kung saan mo ako nakilala.’’

“Mabait si mama. Magugustuhan ka niya. Gusto na nga akong mag-asawa para raw magkaapo.’’

“Baka malaman na naging magkasama kami ng tiyo mo.’’

“Hindi. At ano naman kung malaman. Hindi mo naman asawa.’’

“Natatakot ako, Lex.’’

“Huwag kang matakot. Bukas sasabihin ko kay Mama na mayroon na akong pakakasalan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with