^

Police Metro

Kapwa akusado ni De Lima, sumuko sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kusang sumuko sa National  Bureau of Investigation (NBI) ang kapwa akusado ni Sen. Leila De Lima sa kasong droga sa loob ng New Bilibid Prison si dating Bureau of Corrections (BuCor)  Officer-in-Charge, Atty. Rafael Ragos.

Ayon kina  NBI Deputy Directors Ferdinand Lavin at Atty. Sixto Burgos na nasa loob na ng NBI main headquarters si Ragos  na ayaw magbigay ng anumang pahayag sa media.

Si Ragos ay sumuko at nakipagkita sa kanila kasama ang kaniyang abogado sa isang lugar sa Quezon City bago dinala sa NBI headquarters at isinailalim sa booking process kung saan siya kinunan ng mugshots at fingerprints.

Ngayong araw, dadalhin si Ragos sa sala ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC)  Judge Juanita Guerrero ng Branch 204 para sa return of the warrant of arrest  at isasabay na rin umano ni Ragos sa pamamagitan ng abogado ang pagsusumite ng mga pleadings at petisyon na sa NBI maidetine.

Nilinaw pa ni Burgos na ang ilang araw na hindi pagsuko ni Ragos ay dahilang naghanda pa umano ito ng mga papeles tulad ng pleadings na isusumite sa korte.

Ang korte ang magpapasiya kung saan dapat ikulong si Ragos.

Magugunita na una nang inaresto sina De Lima at ang kanyang dating driver-bodyguard-lover  na si Ronnie Dayan na ikinulong sa Muntinlupa City Jail habang ang una ay sa Camp Crame Custodial Center.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with