^

Probinsiya

Cafgu binoga ng kabaro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang sundalo ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) matapos itong pagbabarilin ng kanyang kabarong sundalo sa bayan ng Pangil, Laguna noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang biktima na si Gerald Relevante habang nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Eduardo Galay, 45. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joel Pernito, provincial director ng Laguna Police,  naganap ang insidente sa mess hall ng Cafgu detachment sa Brgy. Galalan bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, nanonood ng telebisyon ang dalawa nang pagbabarilin ng suspek ang biktima kung saan nagising naman ang mga kasamahang Cafgu. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero namatay din ito matapos ang ilang oras.  Sumuko sa himpilan ng pulisya si Galay na bitbit ang M14 rifle na ginamit sa krimen.

vuukle comment

CAFGU BINOGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with