Tatay ni QC Mayor Herbert pumanaw na
MANILA, Philippines - Pumanaw na si Herminio “Butch” Bautista na ama ni Quezon City Mayor Herbert Bautista dakong alas-7:55 kamakalawa ng gabi sa Philippine Heart Center sa edad na 82.
Ang matandang Bautista, isang dating konsehal sa lungsod, actor, director at writer na naging barangay chairman din ng Barangay Immaculate Conception bago maihalal sa Quezon City Council noong 1988.
Ang kanyang labi ay ilalagak sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue.
Inilagay naman sa half mast ang watawat ng Pilipinas sa QC hall bilang pakikiramay.
- Latest