^

PSN Showbiz

Kahit obvious na Gerald ayaw pa ring aminin si Bea, Erich pinatulan na ng kapatid ni Daniel

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ibinahagi ni Rodjun Cruz sa amin sa presscon ng bagong afternoon drama na Legally Blind na masaya ang huling bakasyon nila sa Brunei kasama ang Binibining Pilipinas-Universe Maxine Medina.

Kuwento ni Rodjun, pangalawang bakasyon na raw nila ito sa Brunei dahil may kaibigan sila roon na siyang naghu-host ng kanilang biyahe. Kasama si Rodjun, pati ang ilang miyembro ng pamilya dahil close talaga sila kay Maxine na pinsan ng kasintahan niyang si Dianne Medina.

Sayang nga raw at hindi nakasama si Rayver Cruz dahil may trabaho ito. Pero masaya ang bakasyon nila at hindi na raw nila pinapansin ang ilang namba-bash at nanlalait sa nakaraang performance ni Maxine sa Miss Universe 2016. “Parang after ng competition nakalimutan na lahat ‘yun. Good vibes na lang lahat, at nag-i-enjoy na lang talaga. Pati si Maxine, sobrang saya niya ngayon,” pahayag ni Rodjun.

PAK: Hindi itinatanggi ni Gerald Anderson ang kakaibang closeness nila ni Bea Alonzo, pero hindi pa rin nito inaaming sila na. Sina Mikael Daez nga at Megan Young, ang tagal bago umamin sa relas­yon nila. Pero sina Gerald at Bea, masaya lang daw sa bonding nila kung saan madalas silang magkasama. Ito ngang huli ay magkasama silang sumali sa isang Fun Run. Sabi ni Gerald, “Kung maging kami, ba’t ko naman itatago ‘yun?

“Kailangan mo i-enjoy ‘yung moment eh. Ini-enjoy ko ‘to bawat minuto.

“Hindi naman po talaga kami nagmamadali, ang dami na­ming nalalaman sa isa’t isa. Ang dami kong natutunan sa kanya, sana ang dami rin niyang natutunan sa akin.”

Hindi pa raw niya alam kung saan sila ngayong Valentine’s Day dahil si Bea naman daw ang busy.

BOOM: Parang ang bigat ng dahilan ng paghihiwalay nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Nanatiling tahimik si Erich sa isyung pera raw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nagkomento si Daniel na hindi pera ang dahilan pero wala pa ring sinasabi Erich. Hanggang sa ang kapatid na ni Daniel na si Vanes­sa Matsunaga ang nagbi­gay ng komento na ipinarating kay Erich. Nakiusap itong linawin ang isyu ng pera sa hiwalayan nila ng kanyang nakababatang kapatid.

Bahagi ng mensaheng ipinadala ni Vanessa kay Erich, “I’m very sad to see people defaming not only you and my brother but also my mom and family. You know my mom and she definitely doesn’t deserve this. As a matter of fact we are still defending you from all the hate as much as we can.”

Dagdag na pahayag pa ni Vanessa, “I’m asking you to please address this issue, people are calling us users, but you know best and you know the truth. I’m counting on your integrity, dignity and your love for our Lord Jesus.”

Hindi na sumagot si Erich. Hindi na rin niya maaaring mag-post ng komento sa kanyang Instagram account dahil naka-turn off na ito.

 

vuukle comment

RODJUN CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with