^

PSN Showbiz

Relasyon ni Regine sa ex ni Ogie na si Michelle hindi pa rin matanggap ng iba!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man ay nakakatanggap na ng bash ang panganay ng ex-couple na sina Ogie Alcasid at da­ting beauty queen-actress na si Michelle van Eime­ren na si Leila Alcasid na nagdesisyong bumalik ng Pilipinas to try her luck sa showbiz.

Second mom ni Leila ang kanyang step-mom na si Regine Velasquez-Alcasid at parang tunay na anak din ang trato sa kanya ng Songbird at sa kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Alcasid na naiwan sa Sydney, Australia with her mom at mister nito ngayong si Mark Murrow.

Bakit kaya hindi ito matanggap ng ibang tao na para bang sila ang nahihirapan sa magandang re­las­yon ng pamilya sa ex-couple at mga anak nila? Bibihirang makatagpo ng napakagandang relasyon ng dating ex-couple sa present couple maging ang kanilang mga anak at kanilang partners ngayon dahil pare-parehong magaganda ang kanilang mga puso.

Regine will not take it sitting down lalupa’t hindi lamang siya ang nasasaktan dito kundi si Leila.

Sana hindi mawalan ng pag-asa si Leila at ma­ging handa siya sa bash at intriga sa mundong ginagalawan ng kanyang dad at step-mom.

Pops mga kaibigan ang ka-date ngayong Araw ng mga Puso

Tiyak na mga kaibigan lamang ng Concert Queen na si Pops Fernandez na kanyang makakasama sa araw na ito ng mga puso dahil single pa rin siya matapos hindi mag-work ang kanyang relasyon sa isang businessman.

Pops’ ex-husband na si Martin Nievera is extremely happy sa kanyang non-showbiz girlfriend at tiyak na may kani-kanyang lakad din ang dalawa nilang anak na sina Robin at Ram. 

Girlfriend ni Robin si Zia, anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Kapag nagkatuluyan ang dalawa, magiging balae si Zsa Zsa ng ex-couple na sina Pops at Martin.

Martin at Gary V limot na ang kompetisyon

Bukod sa pagiging best of friends nina Martin Nievera at Gary Valenciano, meron din silang connection sa isa’t isa sa pamamagitan ng mag-asawang Paolo Valenciano at Samantha Godinez-Valenciano.

Si Paolo ay panganay na anak ng mag-asawang Gary V. at Angeli Pangilinan-Valenciano habang si Sam naman ay pamangkin ni Martin making them “magbalae” sa pamangkin.

Half-sister naman ni Martin ang ina ni Sam na si Gina Tabuena-Godinez. Kapatid din ni Sam ang aktres na si Alex (Alexandra) Godinez na naging ex-GF naman ng boyfriend ngayon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

During the 80’s and the 90’s, sina Martin at Gary V. ang archrival sa concert scene.

Ricky nahirapang pagsabayin ang dalawang gusto

Ang actor-director na si Ricky Davao ay mapapanood sa pinakabagong teleserye ng Kapuso Network, ang Legally Blind na tinatampukan nina Janine Gutierrez, Mikael Daez, Lauren Young, Rojun Cruz, Chanda Romero at iba pa.

Si Ricky ang gumanap na ama ni Janine sa istorya na nakulong at namatay sa loob ng kulungan.

Aminado si Ricky na hindi umano madali ang maging actor at director at the same time sa isang serye tulad ng Legally Blind na sobrang napakabigat ng tema ng istorya.

Bilang actor at director ay kailangan nilang timplahing mabuti ang dala­wa. Ibang high at challenge umano ang nakukuha niya bilang actor at bilang isang director.

Personal…

Ang aming taos-pusong pasasalamat sa tumulong, nagdasal, at nakiramay sa pagpanaw ng aking kapatid na si Mario A. Amoyo noong nakaraang Sabado, February 11 ng 10:30 p.m.

Ang kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa St. Peter (Kamuning – K-5th St.) in Quezon City na inilipat kahapon mula St. Peter – Tanauan, Batangas).

Ang wake ay tatagal hanggang Miyerkules (Feb. 15) ng gabi at iki-cremate sa araw ng Huwebes.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with