^

Pang Movies

Sikat pang showbiz icon napilayan, seryeng sinamahan may malaking problema

DIRECT LINE - Baby E - Pang-masa

How true, Salve A., na nag-suffer daw ng sprain sa kanyang hip bone ang isang itinuturing na ngayong showbiz icon, na posible raw maging dahilan, para operahan siya.

He suffered daw a bad fall, that’s why.

Still in demand for work kahit may edad na, dahil talaga nga namang napakahusay niyang artista, not a few wonder kung ano kaya ang gagawin sa role na ginagampanan niya sa isang top series, since sobrang importante nito.

Well, accidents do happen. Kaya, ingat na lang tayo.

Donna V. nagawa pang magregalo kahit nasa ospital na

Ang lungkot, Salve A., kapag ikaw ay reunited with friends dahil sa sobrang lungkot na reason.

Ganyan ang aming naramdaman, na mga um-attend sa unang gabi ng wake for dear, dear friend, Donna Villa, ang producer na asawa ni Direk Carlo J. Caparas, sa Cosmopolitan Memorial Chapel, Crematory of Ascension, Araneta Avenue, Quezon City.

By the way, ngayong Biyernes na ang huling lamay para kay Donna.

True, we all agree, na lahat kami talagang nagulat sa kanyang biglaang pamamaalam.

Wala kaming idea na she was sick. She was in her element, kumbaga, nang huli naming siyang makita at makausap sa presscon ng Angela Markado na pinagbidahan ni Andi Eigenmann.

At nitong last December, we all received special gifts from her. Which we now discovered ay ipinakiusap lang na ipadala sa mga kinauukulan, dahil nga hindi na niya ito magawa on her own.

Iyon pala, December 19 ay ipinasok na siya sa Asian Medical Center sa Muntinlupa, kung saan siya na-diagnosed na may cancer of the uterus, na nasa fourth stage na agad.

January 17, Tuesday, nang tuluyan na siyang binawian ng buhay sa UST Hospital, kung saan nagdesisyon ang kanyang pamilya na ilipat siya.

“We will continue with her legacy,” anang magkapatid na CJ at Peach Caparas, mga anak nina Donna at Direk Carlo. “Itutuloy namin ang pagpu-produce ng pelikula at TV shows, if that’s possible.

“Our dad (Direk Carlo) is around to help, support and guide us,” pahayag pa ng magkapatid.

May naiwang still unreleased movie si Donna, who acted bilang distributor ng mga pelikulang gawa ng kanilang film firm ni Direk Carlo.

Ito ay ang Miracles are Forever at isang pelikula tungkol sa drugs.

Rest in peace, Donna. We will miss you.

Sophie at Elizabeth,sa iisang lalaki na-inlove

Now to a more pleasant report. Finally, T-Rex Productions had a pocket interview organized para sa dalawang lead stars ng soon to be a released movie, Moonlight Over Baler, sina Elizabeth Oropesa at Sophie Albert.

Maganda pareho ang roles nina Beth (Elizabeth) at Sophie, since gumaganap si Sophie bilang ang batang si Elizabeth.

They supposedly fall in love with the same men na gagampanan ni Vin Abrenica, na gaganap ng dual role. Isa siyang sundalo na naging boyfriend ni Sophie na namatay noong Japanese occupation.

Likewise, si Vin din ang gumanap na Japanese journalist na nag-cover ng EDSA Revolution and eventually falls naman for Elizabeth.

Directed by Gil Portes ang pelikula at ayon sa kanya, timeless love story daw ito na ipinagmamalaki niyang, bukod kina Beth at Sophie, marami pang named talents sa cast, kabilang na sina Ellen Adarna, Daria Ramirez, Menggie Cobarrubias at Angie Ferro.

Si Eric Ramos ang sumulat ng story at ng script. The film is set to open in theaters nationwide, pagbabalita ng producer na si Rex Tiri, na siya ring nag-produce ng previous Direk Gil Portes movie, Hermano Puli, on February 8.

vuukle comment

DONNA VILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with