^

Bansa

Tumulong sa laban vs droga, corruption - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga mamamayan na tumulong sa gobyerno sa pagsugpo ng ilegal na droga, kriminalidad at katiwalian. 

“Inaanyayahan ko ang bawat Pilipino na maging katuwang ng gobyerno sa pagsulong ng ating kampanya laban sa ilegal na droga, kriminalidad, at katiwalian,” anang Pangulo sa kanyang New Year message. 

Pinatutulong rin ng Pangulo ang mga mamamayan sa pagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag-aakit ng mas maraming mamumuhunan sa bansa. 

Naniniwala ang Pangulo na mas magiging daan ang pagda­ting ng maraming negosyo sa bansa sa paglikha ng maraming trabaho kung saan hindi na kinakailangang makipagsapalaran sa labas ng bansa ang maraming mga Filipino. 

Makahulugan ring sinabi ng Pangulo na bagaman at magiging abala ang lahat sa pagpasok ng Bagong Taon  at makakalimutan ang nangyari noong nagdaang taon dahil sa pang araw-araw na gawain, pero hindi umano makakalimot ang pamahalaan. 

“Sa pagpasok ng panibagong taon, magiging abala na naman tayo sa ating mga pang araw-araw na gawain. Marami sa atin ang makakalimot sa mga nangyari noong nagdaang taon ngunit hindi ang pamahalaan. Patuloy kaming kikilos upang tiyaking makarating sa kapakinabangan ng ating mga kababayan ang bunga ng ating mga reporma,” ani Duterte. 

Umaasa rin ang Pangulo na sasalubungin ng lahat ang 2017 na may panibagong lakas at positibong pananaw sa buhay.

vuukle comment

PANGULONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with