^

Probinsiya

Kagawad kinatay na, binoga pa

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Karumal dumal ang ginawang pagpatay sa isang 57-anyos na incumbent barangay kagawad makaraang pagtatagain at barilin ng ‘di kilalang suspek sa Brgy. Carayrayan,  Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Ang biktima ay si Primo Belleza, biyudo, na nagtamo ng maraming tama ng taga ng itak sa kanyang  katawan. Hindi pa nasiyahan ang hindi nakikilalang mga suspek ay pinutukan pa siya gamit ang isang 12 gauge shotgun na naging dahilan ng agarang kamatayan nito. Sa imbestigasyon, may posibilidad na nanlaban ang biktima sa mga suspek nang agawin ang kanyang bitbit na kulay itim na shoulder bag na naglalaman ng isang handheld radio, isang Nokia cell phone at P20,000 cash. Inaalam pa kung ano ang motibo ng pamamaslang maliban sa unang anggulo ng panghoholdap sa biktima.  

vuukle comment

PAGTATAGAIN AT BARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with