^

PSN Showbiz

Maricel nakipagsabayan kay Yassi sa paggiling

SOUNDS FAMILIAR - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Maricel nakipagsabayan kay Yassi sa paggiling
Maricel Soriano at Yassi Presman

Matagumpay na naidaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang pagtatanghal ng Star For M-TV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best, ang sanib-puwersang pagbibigay-parangal sa 8th PMPC Star Awadrs For Music at 30th PMPC Star Awards For Television. 

Naging maningning ang entablado sa pagdalo ng mga sikat na bituin sa daigdig ng musika at telebisyon. Mahuhusay ang mga hosts na sina Luis Manzano, Jodi Sta. Maria, Xian Lim, Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Robi Domingo at binuhay ang panonood ng lahat ng mga natatanging performances nina Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, Darren Espanto, Sam Concepcion, Jason Dy, Yassi Presman, Hashtags, PHD Dancers, at 4th Impact. Ang pinakapinalakpakan ay ang tribute sa Ading Fernando Lifetime Achievement Awardee na si Diamond Star Maricel Soriano nang handugan siya ng kanyang signature dance numbers ni Yassi Pressman at buong ningning siyang umakyat sa entablado at walang kapagurang sumayaw.

Madamdamin ang mga panana­litang nagmula sa mga Lifetime Achievement Awardee, mula kay Maricel Soriano, Excellence In Broad­casting Lifetime Achievement Awardee Luchi Cruz Valdes, Pilita Corrales Lifetime Achievement Awardee Dulce at Parangal Levi Celerio na si Vic del Rosario na nirepresenta ng anak na si Vic del Rosario, Jr. 

Ipinagkaloob naman ang German Moreno Power Tandem Of The Year kina Kim Chiu at Xian Lim, ang anak ng Master Showman na si Federico Moreno ang nag-award nito. 

Mula sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong Fernan de Guman, ang Star For M-TV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best ay mula sa Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng programa sa ABS-CBN Sunday’s Best sa ika-20 ng Nobyembre, 2016. 

Rocco parami nang parami ang restaurant

Sa halip na paapekto sa naging paghihiwalay nila ni Lovi Poe, bumaling na naman si Rocco Nacino sa negosyo. Nakapagtataka na sa kaabalahan niya sa kanyang pag-aartista ay nagagawa niyang mag-asikaso ng negosyo. Malakas ang Rufo’s Steak House sa harap ng GMA. Kasosyo pa rin siyang Backyard Kitchen & Brew at magbubukas siya ng Yuan Whiskey Bar & Resto. Bukod sa kainan ay may dalawa siyang branches ng Elorde’s Gym.

Magtatangka ding magprodyus ng mga show ang Kapuso actor. Plano nila ni Aljur Abrenica na iprodyus ang repeat ng Oh Boy concert at balak nilang ilibot ito ng bansa at maging sa abroad.

Esang nakikipagsabayan sa matatandang singer

Suwerte ni Esang de Torres ng The Vice Kids. Matapos siyang rumampa sa Les Misérables ay kasama naman siya ng mga malalaking pangalan sa musika sa isang benefit show para sa anibersaryo ng Caritas Manila’s Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na pinamagatang Love In Abundance.

Nag-iisa siyang bata na kakanta ng komposisyon ni Ryan Cayabyab kasama sina Bo Cerrudo, Bituin Escalante, Celeste Legaspi, Basil Valez, at ang Philippine Philharmonic Ochestra. Magaganap ito sa Shangri-La Hotel sa The Fort, Miyerkules, Oktubre 26. Hindi man napanalunan ni Esang ang kam­pyonato sa The Voice, ratsada naman ang karera niya.

Gee Canlas nagka-career sa GMA

Marami ang nasisiyahan sa takbo ng karera ni Gee Canlas na nasa GMA ngayon. Sa ABS-CBN ko siya madalas mapanood noon at nag-host pa ng isang musical program sa gabi ng Kapamilya Network, ang Music Uplate at Pilipinas Win Na Win.

Graduate ng Communication Arts sa Miriam College, pansin na pansin ang babaeng isa na marahil sa pinakamabilis magsalita kundi man sa buong mundo ay sa ‘Pinas sa seryeng Sinungaling Mong Puso bilang BFF ni Clara (Rhian Ramos). Multitalented si Gee dahil nagpapatawa siya sa A1 Ko Sa ‘Yo at nagluluto sa programang The Molten Kitchen.

 

vuukle comment

MARICEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with