PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nag-aapurang magka-apo

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw po sa inyo at sa lahat na bumubuo nang malaganap ninyong pahayagan.

Paborito ko po ang dyaryo ninyo at tagasubaybay ako ng inyong column dahil nakakapulot ako rito nang magagandang aral sa buhay. Kaya nga po, nagpasya akong sumulat sa inyo at ihingi ng payo ang aking kasalukuyang problema sa pag-ibig.

Ako ay 40 anyos na nang makaisip na mag-boyfriend, mas bata sa akin ng limang taon si Delfin. Hindi ko inilihim sa kanya ang aking edad, maging ang kondisyon ko na mahihirapan nang magka-anak. Naoperahan na po kasi ako sa matres nang magkaroon ako ng tumor dito.

Minsan nang napag-usapan namin ni Delfin ang tungkol sa kasal. Ang sabi niya ay nag-aapura ang kanyang ina na makita ang apo sa panganay na anak. Dalawa lang silang magkapatid. Babae ang bunso at nag-aaral pa.

Magdadalawang taon na po ang aming relasyon at kung magbubuntis ako, dapat nangyari na dahil masyado kaming intimate sa isa’t isa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero kung kailan nag-aapura na magka-apo ang ina ni Delfin ay hindi na namin napag-uusapan ang kasal. Ipinagtataka ko rin po kung bakit hindi pa niya ako ipinakikilala magulang niya, gaya nang ginagawa sa mga kaibigan ko ng kanilang steady boyfriend.

Minsan, nagkaroon na kami diskusyon tungkol sa pag-aampon o kaya paghahanap ng surrogate mother para magka-baby. Posible po ba ang pa­ngarap naming ito? Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin para naman hindi ako aasa sa wala.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay sa larangan ng pagsusulat at pagtulong sa kapwa.

  Gumagalang,

Cynthia

Dear Cynthia,

Hindi naman ako medical doctor, kundi doctor para sa mga may problema sa love life. Kaya para matiyak mo ang posibilidad sa balak ninyong magka-baby, kumunsulta kayo sa espesyalista para masuri ang kalagayan ninyo at magabayan kayo para mapataas ang tsansang magkaroon ng anak.

God can make a way, kaya mainam din na lagi ninyong ilapit ang desire na ito sa Panginoon. God bless you.

DR. LOVE   

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: