^

Punto Mo

‘Bala kapalit ng letra’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

ANG korapsyon daw ang ugat ng pagpatay sa mga journa-list—Rody Duterte.

Ang buhay ng isang media person ay parating nakataya. Tuwing aalis ka ng bahay andun ang pangamba na hindi ka na makakabalik.

Lakasan na  lang ng loob dahil sa iyong adbokasiya na kapag nakakita ka ng mali at katiwalian pupunahin mo. Ito ang trabaho ng mga totoong mainstream journalist at hindi yung mga nagsusulat na ‘attack and collect’.

Ito marahil ang ibig sabihin ni Presidente Duterte na kaya pinapatay ang media dahil kung minsan nabigyan na sila para humingi pa ng dagdag tumitira pa. Meron din namang mga pipit­suging media na ginagamit ang kanilang pitak para makakikil ng pera.

Kamakailan pumirma si Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte ng Administrative Orders (AO) No. 1 upang magkaroon ng task force para  mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag.

Naniniwala daw ang Pangulo sa ‘freedom of the press’. Pangungunahan ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II habang si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang magsisilbing co-chair.

Kabilang din sa nasabing task force sina Interior Secretary Ismael Sueno, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Solicitor General Jose Calida, Armed Forces Chief Gen. Ricardo Visaya, Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa, National Bureau of Investigation Director Dante Gierran at mga opisyal ng Presidential Human Rights Committee.

Nung panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino ipinag-utos din nila ang pag-iimbestiga sa mga pagpatay sa media personality.

Ang administrasyon ba ni Presidente Duterte ay magtatalaga ng isang security sa bawat media na humihingi ng tulong dahil nakakaramdam ng kakaiba dahil sinabi nila na kapag nakatanggap ka ng death threat ay i-report lang sa kanila at pag-uusapan ito ng iba’t-ibang ahensya at mabibigyan ng assistance kung kinakailangan.

Magkano ba talaga ang sweldo ng isang media man? Limpak-limpak ba na salapit ang iniuuwi nila sa kanilang pamilya?

Yung security na maaaring mailagay sa ‘yo kahit papaano bubunot ka na parang si FPJ o Lito Lapid para mag-abot ng pangkain, pamasahe at konting pampalubag loob. Nabawasan pa kita mo.

Isa din sa gagawin ng task force ay ang pagsilip sa mga kaso ng pagpatay sa mga journalist nitong mga nakaraang taon. Paghihiwalayin nila ito sa kategoryang mga kasong hindi pa nareresolba, mga kasong iniimbestigahan, cases under preliminary investigation, cases under trial at cases under appeal.

Mas bibigyan nila ng prayoridad ang mga high profile cases tulad Maguindanao Massacre (parang kantang walang katapusan, parang kasong walang kalutasan).

Magtatalaga din ang task force ng special investigators at Prosecutors para madaling maresolba ang mga bagong kaso ng media killings.

Si Presidente Duterte ay isang tunay na lalaki at alam din naman niya kung hindi mapoprotektahan ang hanay naming mga media ay hayaan niya kaming magdala ng armas para naman maipagtanggol namin ang aming sarili, aming pamilya, aming ari-arian sa ngalan ng propesyon na aming niyakap.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment

RODY DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with