^

Dr. Love

Sino sa kanila ?

-
Dear Dr. Love,

Hi! tawagin n’yo na lang akong Taurus Girl. Ako po ay taga-Ozamis Occidental at ipinanganak noong April 22, 1983. Kaya po ako sumulat ay dahil sa problema ko tungkol sa dalawa kong boyfriend na magpinsan.

Ang first love ko ay si Rey. Kapitbahay ko po siya sa probinsiya. Mag-iisang taon na ang relasyon namin ngayong December. Wala naman akong kaligayahan sa relasyon namin dahil mula noong sinagot ko siya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita. Nawalan na ako ng gana sa kanya.

Ang pangalawa kong boyfriend ay si Ariel. Taga-Mindanao siya at nagkakilala kami last month. Mahal ko si Ariel dahil palagi niya akong sinusulatan dito sa Maynila at palagi siyang nag-aalala sa akin. Pero natatakot ako sa bandang huli ay lolokohin niya ako.

Dr. Love, sino kaya ang aking pipiliin sa kanilang dalawa na mag-first cousin?

Hihintayin ko ang inyong advice.

Gumagalang,

Taurus Girl




Dear Taurus Girl,

Hindi ko lubos na maunawaan kung paano mo naging boyfriend nang sabay ang magpinsan. Hindi ko rin alam kung nagkakaalaman sila.

Anyway, ikaw lang ang makapagdedesisyon kung sino sa kanila ang tunay mong mahal at dapat mong piliin.

Delikado ang ginawa mo dahil magkakasamaan ng loob ang magpinsan at baka maging daan ng pag-aaway nila.

Hindi mo sila puwedeng mahalin pareho. Kung pipili ka naman ng isa sa kanila, tiyak sasama ang loob ng isa at magiging kaaway n’yo.

Kung hindi ka makapagpasya kung sino sa kanila ang iibigin, mas mabuti pa kung pareho mo silang i-break. Sa ganyang paraan, hindi sila magkakaroon ng samaan ng loob.

Marami pa namang lalaki riyan at bata ka pa para makapamili ng angkop na lalaki sa iyong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR TAURUS GIRL

DELIKADO

DR. LOVE

GUMAGALANG

HIHINTAYIN

KAPITBAHAY

KUNG

OZAMIS OCCIDENTAL

TAURUS GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with