^

Dr. Love

Problema ni Lonely Girl

-
Dear Dr. Love,

Hello! I’m one of your readers. Itago na lamang po ninyo ako sa pangalang Lonely Girl, 34-taong gulang. Bunso ako sa pitong magkakapatid. Mayroon po akong asawa pero hiwalay na kami. Masama ang naging karanasan ko sa aking buhay-may asawa. Hiniwalayan ko siya at nagtungo ako ng Maynila. Dito ay may nanligaw sa akin. Noong una ay iniiwasan ko siya dahil takot na akong umibig muli dahil baka ako muling masaktan. Pero habang tumatagal, hindi ko namamalayan na umiibig na pala ako sa kanya. Sa ngayon ay dalawang buwan na ang relasyon namin. Gusto niyang sa December ay magsama na kami. Mayroon siyang asawa at isang anak. Hiwalay din siya sa kanyang asawa pero hindi sila kasal. Ang problema ay kasal ako sa aking asawa sa huwes.

Dr. Love, bigyan po ninyo ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin. Mahal na mahal ko po siya. Pero ayaw ko namang magsama kami nang walang kasal. Ano po ang gagawin ko? Ayaw kong mawala siya sa akin. Hihintayin ko ang inyong sagot.

Lonely Girl




Dear Lonely Girl,

May problema ka. Kung makikisama ka sa lalaking iyan, bagamat hindi siya kasal sa dati niyang kinakasama, wala kang laya dahil balido ang kasal mo sa iyong asawang hiniwalayan.

Alam mo ba na iyan ay adultery at maaari kang idemanda ng iyong asawa pati na ang kakasamahin mong lalaki?

Ayusin mo muna ang kalagayan mo. Hindi ako pabor sa paghihiwalay dahil labag iyan sa utos ng Diyos. Pero kung batas ng tao ang pag-uusapan, maaari mong ipa-annul ang iyong unang marriage.

Kung mapapatunayan mong ang asawa mo’y iresponsable at nananakit, maaaring aprobahan ng korte ang pagwawalang-bisa sa inyong kasal. Gagastos ka nang malaki riyan.

Gayunman, mag-isip isip ka nang mabuti at baka panibagong kalbaryo o higit pa ang papasukin mo lalo pa’t may anak ang boyfriend mo sa ibang babae na maaaring pagmulan ng di ninyo pagkakaunawaan sa hinaharap.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

ASAWA

AYAW

DEAR LONELY GIRL

DR. LOVE

LONELY GIRL

MAYROON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with