^

PSN Palaro

Cignal-San Beda lalapit sa semis vs JRU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalapit sa unang semis slot ang Cignal-San Beda sa pakikipagtipan sa Jose Rizal University nga­yong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakasakay ang Haw­keyes sa six-game winning streak upang kapitan ang solong pamumuno na siyang naging daan upang makuha ang unang tiket sa quarterfinals.

Subalit hindi pa kuntento ang bataan ni Cignal coach Boyet Fernandez dahil target nitong makuha ang una sa dalawang awto­matikong tiket sa semis.

Ngunit mag-iingat ang Hawkeyes sa kanilang pagharap sa Heavy Bom­bers sa alas-5 ng hapon.

Ito ay matapos gulanta­ngin ng Jose Rizal ang Racal noong Lunes sa pamamagitan ng 77-75 panalo sa likod ng impresibong laro nina Tey Teodoro at Paolo Pontejos.

Umangat sa 3-3 marka ang Jose Rizal subalit hindi rin titigil ang tropa ni coach Vergel Meneses upang maiwasan ang kumplikadong sitwasyon.

Magtutuos naman sa unang laro ang Wangs Basketball (2-5) at Blustar Detergent (0-6) sa alas-3.

 

vuukle comment

PBA D-LEAGUE ASPIRANTS' CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with