^

Metro

‘Takipsilim’ enforcers ng MMDA binuwag dahil sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Binuwag ng Metropoli-tan Manila Development Authority (MMDA) ang “Ta­kipsilim enforcers” o mga “night-shift duty” na enfor­cers dahil sa isyu ng pangongo­tong tuwing gabi.

Kinumpirma ni Bong Nebrija, Operations chief ng MMDA na binuwag na ang tinatawag nilang Takipsilim enforcers habang binawasan na rin nila ng puwersa ang mga tauhan na itinatalaga ng night shift o mula alas10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Ito ay makaraan ang sunud-sunod na sumbong ng pangongotong ng ilang tiwaling tauhan na nagmo-moonlight sa pangongotong tuwing gabi na target ang mga biyaherong mga trak.  May ulat sila na kahit P200 ay hindi pinalalagpas ng mga tiwaling enforcers.

Mula 700 night shift na tauhan, ibinaba na lamang nla sa kalahati o 350 ang mga enforcers na mag-iikot sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kapag gabi.  Hindi umano magiging stationary o nakatigil lang sa isang puwesto ang mga itatalagang enforcers ngunit nakasakay sa mga service pick-up o motorcycle units ng MMDA para rumesponde sa mga lugar na may higit na pangangailangan.

Una nang inamin ng MMDA na marami nang tauhan nila ang nadismis sa serbisyo dahil sa isyu ng pa-ngongotong.  Sa kabila nito, mas marami pa rin umanong tapat na tauhan sila at hindi dapat maging dahilan ng pag-alipusta o pambu-bully sa kanilang mga enforcers ng mga mas abuadong mga motorista.

Karaniwan na umano sa mga mayayamang motorista na takut-takutin ang kanilang mga tauhan na pinapayuhan nila na huwag nang maki-pagtalo dahil sa huhulihin na lamang nila sa pamamagitan ng “non-contact apprehension” kapag may malinaw na paglabag tulad ng hindi pagsunod sa “number coding”.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with