^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa bagong DENR secretary

Pang-masa
EDITORYAL - Hamon sa bagong  DENR secretary

NOONG nakaraang linggo, nagsagawa ng smoke-belching campaign ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Transportation Office (LTO) at Quezon City government sa Commonwealth Avenue at maraming nahuling sasakyan na nagbubuga nang maitim na usok. Karamihan ay mga dyipni at trak ang nahuli. Ang tanong ay hanggang kailan ang kampanyang ito ng DENR, LTO at QC government? O ningas-kugon lang ito? Masigasig lang sila sa umpisa pero kapag nagtagal na, wala na ang apoy ng sigla. Balik sa dati ang mga lumalason sa kapaligiran at inilalagay sa panganib ang buhay ng mamamayan. Ang paghuli sa smoke-belchers ay nakasaad sa Clean Air Act of 1999, pero hindi nai­patutupad ang batas. Naging dekorasyon lang.

Malala na ang air pollution sa Metro Manila. Usok na may lason ang nalalanghap ng milyong residente sa Metro Manila at nagiging dahilan ng sakit sa res­piratory system. Kapag hindi nasolusyunan ang air pollution, magkakatotoo ang isang pag-aaral na sa darating na panahon, hindi na matitirahan ang Metro Manila dahil sa sobrang pagkalason ng hangin. Sa pag-aaral mismo ng DENR, ang mga sasakyan ang nagdudulot ng grabeng pollution sa Metro Manila. Umano’y 70-80 percent ng emissions ay galing sa mga tambutso ng sasakyan. Ang maruming usok na ito ang nalalanghap ng kawawang commuters araw-araw.

Ang DENR ang may responsibilidad sa paglilinis ng hangin at pangangalaga sa kapaligiran. Sila ang dapat na pumigil sa mga nagsusunog ng kagubatan, pagbabawal sa paggamit ng incinerators at pagyayaot ng mga kakarag-karag na sasakyan. Ngayong wala na si DENR secretary Gina Lopez, may matapang pa kayang haharap sa mga lumalason sa kapaligiran.

Ang solusyon sa air pollution ay nakasalalay ngayon sa bagong DENR secretary sa katauhan ni Roy Cimatu. Sana maging matapang din siya at may paninindigan laban sa mga lumalason at sumisira sa kapaligiran. Ang aming suhestiyon para masolusyunan ang air pollution, lahat nang mga sasakyang 15 taon pataas ay dapat nang alisin sa kalsada.

Iligtas ang Metro Manila sa mapaminsalang air pollution. Maawa sa mga susunod pang henerasyon. Palanghapin sila nang sariwa at malinis na hangin. Malaking hamon kay Cimatu ang nasisirang kapaligiran dahil sa mga tampalasan. Bigyan niya ng ngipin ang Clean Air Act.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with