^

Pang Movies

Young actress dedma sa fans na nagpapa-picture sa Amerika!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Matapos mang-isnab ng mga press ang isang young star sa isang interview ng kanyang ka-love team, at sa halip ay nag-coloring book lamang siya, may bago na namang blind item sa kanya. 

Sa isang US show daw naman nila ng ka-love team nang-snob siya ng fans na maayos namang nag-request sa kanya ng photo-op.  Dedma daw lamang si young actress pero ang ka-love team niya, nakipag-photo-op naman sa fans.  May problema kaya si young star sa kanyang PR?

Dahil sa pagpapa-dede, Marian super payat na!

Lalong sumeksi ngayon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes na nakausap namin sa Sunday PinaSaya last April 2. Biro niya nang tanungin namin kung ano na ba ang waistline niya ngayon, baka raw 16 inches na lamang.  Iyon ay dahil hanggang sa ngayon ay bini-breast feed pa rin niya ang unica hija nila ni Dingdong Dantes, si Baby Zia, na one year and four months na ngayon.

“Pero siguro dahan-dahan ko na rin siyang ihihinto ng breast feed kasi nga magsisimula na akong mag-taping ng aking teleserye next month,” sabi ni Marian. 

“May separation anxiety na nga ako na matagal-tagal kaming magkakahiwalay ni Zia. Kaya ngayon sunud-sunod na ang paglabas-labas namin at ang paglo-launch niya ng latest endorsement niya ng baby products. Eh, nakakatuwa na talaga si Zia, kung ano ang sabihin ko sa kanyang ituro niya, like ang kanyang lips, tongue, kung sino ang love niya, nagagawa na niya at kahit hindi pa namin maintindihan ang sinasabi niya, maliban sa ‘mama’ at ‘papa’, tuwang-tuwa ako at iyon ang mami-miss ko kapag nagtrabaho na ako.”

Kailan ang launch niya ng flower business niyang Flora Vida by Marian?

“Magkikita-kita po tayo after ng Holy Week para sa opening ng Flora Vida. Hinihintay ko lamang iyong mga paper bags na gagamitin ko para maganda ang presentation,” natatawang sagot ni Ma­rian. 

“Medyo na-delay kasi ang delivery.

“Uunahin ko munang mag-taping kami ni Dong ng Encantadia. May nagtanong nga kung bakit tinanggap naming bumalik sa telefantasiya, sabi namin, sino naman kami para tumanggi.  Sa amin nagsimula ang story ng Encantadia 2016 at kahit nawala na kami, dahil mga diwata, pwede pa ring bumalik.”

Ayaw pa ring sabihin ni Marian kung ano ang bago niyang teleserye at kung ano ang concept nito, basta sabi niya, iba raw ito sa mga ginawa na niya.

Saan sila magpapalipas ng Holy Week? Bale second time na ito ni Baby Zia na kasama nila ng Holy Week.  Last year sa isang exclusive resort dito sa atin sila nagpuntang mag-anak.

“Wala pa nga eh, ewan ko lamang kung isusorpresa kami muli ni Zia ng papa niya. Pero kung hindi kami aalis, tatanggap na lamang siguro ako ng mga orders para sa Flora Vida, dahil marami nang nagtatanong at gusto na nilang mag-order.”

Mark time-out muna sa IG

Naka-private lamang ngayon ang Instagram account ni Mark Herras dahil may nang-hack daw ng kanyang social media account. Pero ayaw daw muna niyang i-open ito muli para matigil na rin ang nangba-bash sa kanya at baka mapatulan pa niya. Mas mabuti pa raw na ganoon dahil busy siya sa bago niyang afternoon sexy dramedy series na D’Originals.

This Holy Week, mayroon daw silang gagawing summer special ng girlfriend na si Winwyn Marquez at ang maganda ay bakasyon na, may bayad pa.

vuukle comment

MARIAN RIVERA-DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with