^

Pang Movies

Robin expert na sa pag-aalaga ng baby

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

By the time na manganganak na ang magka­patid na sina Queenie at Kylie Padilla sa darating na July o August ay praktisado na si Robin Padilla sa paghawak ng baby dahil malaki na rin ang kanyang anak na si Isabella.

Ipinamana na rin nila Ro­bin at asawa nitong si Mariel Rodriguez Padilla ang mga naliitang cute na damit at gamit ni Isabella para sa mga magiging babies nina Kylie at Queenie.

Mukhang masaya naman si Kylie sa ipinapakitang suporta ng kanyang daddy sa pagbubuntis niya. Konti na lang daw ang kanyang bibil­hing gamit. Bukod sa may kalaro agad ang magiging anak nila ni Aljur Abrenieca dahil sa parating na baby ni Queenie na halos kasabayan niyang ma­nganak, may Ate Isabella agad sila na naghihintay.

Kahit marami ang nakaka-miss kay Kylie bilang Amihan sa Encantadia, hindi naman naiinip si Kylie na bumalik  sa work. “In God’s time,” sagot ni Kylie sa isang interview kung kailan siya babalik sa pagtatrabaho.

Ayaw madaliin ni Kylie ang bumalik sa trabaho. Ang baby niya muna ang priority niya dahil para sa aktres, worth it daw ang paghihintay sa panganay nila ni Aljur. Isa-isa lang daw muna at mahina ang kalaban sa kanyang priorities sa buhay.

 

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with