^

Kutob

Marso 23, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung hindi pahihintulutan ng ating Manlilikha, ano ang magagawa ng tao? Sa kanya ang ating pag-asa sa lahat nang pagkakataon.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging alerto at makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho ay hindi maiiwasan. Malamang sisirain ka ng dahil sa inggit. Malamang isang kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 30, 42 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pag-isipan nang mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot nito, subalit kung inaakalang walang mapapal, tanggihan. Huwag magpadalus-dalos ng pasya, dahil kapakanan ng sarili ang dapat isaalang-alang. Kung may pagdududa, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 10, 25, 33, 40 at violet.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa situwasyon ngayon. Kailangan mo ang payo ng higit na nakakaalam sa iyong problema. Iwasan na magpadala sa emosyon dahil walang mangyaya­ring solusyon. Makakahagilap ka ng tugon sa iyong problema mula sa ibang tao. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 26, 37 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Lingunin ang pinanggalingan at iwasan na maghangad na lumipad nang mataas dahil kung babagsak, sasabog ang lahat ng pangarap. Magkakatotoo at iwasan ang pagka-plastik at ang pagsisinungaling dahil bukod sa niloloko ang kapwa ay gayundin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 25, 42 at gray.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang masagap na enerhiya at magbago ang kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 24, 36 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at ang pagmamahal ay dapat alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 19, 38 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan na magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala. Dahil kabaligtaran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. May surpresang darating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May masaya at malungkot na mangyayari. Malamang may magandang balita na matatanggap na ikasasaya. Malamang may matutuklasan na siyang magiging dahilan ng kaligayahan o kalungkutan Ang mahalaga ay maging praktikal sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging abala ka sa maraming bagay, pang-personal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan sa iyo dahil hindi mapapaunlakan ang hiling o gusto. Huwag magpautang ng pera dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, dadalhin ka sa kapahamakan. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit sila sa iyong gagawin o ikaw ang masasabit sa gagawin nila. Kung wala kang magawa, tumigil at magpahinga sa bahay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 27, 31 at brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Pagiging praktikal ang pairalin. Gawin ang nararapat sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasambahay at maging sa kamag-anak kaya sariling sikap ang dapat. Kung may negosyo, matumal ngunit makakabawi sa susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay, ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi mo maiiwasan na magpaunlak kung may manghihiram ng pera. Hindi masama ang tumulong, ngunit ibigay sa karapat-dapat. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 39, 41 at sky blue.

vuukle comment

MANLILIKHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with