^

Pang Movies

Ryan pinagkaguluhan lang nang makasama ang LizQuen

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ito talagang Koreanong si Ryan Bang, hindi maubusan ng kuwento.

Well, kuwento niya sa victory party na in-organized ng Star Cinema para sa cast at production staff ng kasalukuyang showbing na blockbuster movie, My Ex & Whys, directed by Cathy Garcia-Molina na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano, bago raw ipinalabas ito, ramdam niya na sikat na siya, since may kung ilang TV shows na siyang nilabasan, ipinasyal niya ang Koreanang girlfriend na noon ay nagbabakasyon sa Pilipinas.

Sa Greenbelt sa Makati niya ito dinala. At that time, too, ‘di alam ng babae na nag-aartista na siya.

Kaya, gusto raw niya itong sorpresahin, kapag may nagpa-picture sa kanya at kinulumpunan siya ng mga kapwa nila namamasyal sa Greenbelt. Kasi, ‘di daw ba ganyan ang mga sikat na artista?

Pero laking gulat daw niya na wala ni isa ang lumapit sa kanya.

Pero, nito raw na naipalabas na ang My Ex & Whys, nang ipinasyal niya ang kanyang ama’t ina na nagbabakasyon sa bansa sa Greenbelt kung saan niya itinambay ang kanyang dating girlfriend, ‘di raw niya mabilang ang nagpakuha sa kanya ng picture.

Kaya, pangako niya kay Direk Cathy, kahit araw-araw nitong gustuhin, na i-blowout niya ito, hindi siya magdadalawang-isip na pagbigyan ang hiling nito.

Winwyn pinigilan na ni Joey na sumali sa Binibini

Sayang at wala si Joey Marquez na siyang gumanap na ama ni Enrique sa My Ex & Whys, sa nabanggit na victory blowout.

By the way, it was from Joey that we learned na Winwyn has decided na huwag na muling sumali sa ongoing Bb. Pilipinas Beauty Pageant.

Anak ni Joey si Winwyn sa dating sexy actress-turned-politician na si Alma Moreno.

Kasalukuyang napapanood si Joey sa My Dear Heart starring Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Rio Locsin at Coney Reyes.

Napapanood din siya tuwing tanghali kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford and Anne Curtis, among others sa noontime musical program na It’s Showtime.

Mariel tiyak na raw ang korona

Meanwhile, definite na ang pagsaling muli ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, na si Mariel de Leon, sa Bb. Pilipinas tilt this year.

Ang laki nang iginanda ni Mariel kumpara noong una siyang sumali sa nasabing beauty contest two or three years ago.

Malaki ang pag-asang mapapanalunan niya ang isa sa anim na titles at stake; Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-International, Bb. Pilipinas-Intercontinental, Bb. Pilipinas-Supernational, Bb. Pilipinas-Grand International at Miss Globe Philippines.

Sofia may galit pa rin kay Inigo!

Did we understand it right na naka-on ni Sofia Andres si Iñigo Pascual, anak ni Piolo Pascual, pero, hindi maganda at maayos ang hiwalayang namagitan sa kanila?

Nagkatrabaho sila sa pelikulang Relaks It’s Just Pag-ibig.

Obvious na ito ang dahilan kung bakit hindi masyadong makwento si Sofia sa kung ano ang kasalukuyang relasyon meron sila ni Diego Loyzaga, anak naman ni Cesar Montano.

Malapit nang mapanood sa seryeng Pusong Ligaw ang dalawa.

Sofia’s movie, Puwera Usog, with Joseph Marco, Devon Seron at Kiko Estrada is opening in theaters nationwide, March 8.

vuukle comment

LIZQUEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with