^

Pang Movies

Angelica napilayan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Napilayan ng isang paa si Angelica Panganiban nang ma-stroke ang confidante at kasama sa programa na si Peter Fernandez. Kilala namin si Peter na identified kay Angelica mula nang magsama sila sa work.

Buti na lang daw at nasa ABS-CBN si Peter nang mag-collapse siya. Agad siyang isinugod sa St. Luke’s ng mga kasamahan. Maging ang ko­med­yanteng si Pooh ay shocked sa nangyari kay Peter.

Pagaling ka, Peter…

Juday panay ang pagbubuhat ng barbell para sumeksi uli

Pursigido talaga si Judy Ann Santos na ibalik ang dating katawan. Tiis-ganda ang byuti niya sa pagwu-work out with matching buhat pa ng mabibigat na barbell, huh!

Post ni Juday sa kanyang Instagram account, “Almost there…10kgs lost 15 more to go. Thanks for the motivation coach. Thanks you bub for pushing and motivating me every week.”

Revenged body nga raw ang dating ni Judy Ann kapag na-achieve niya ang saktong weight na inaasam niya, huh!

Kris malabo raw panoorin pag tinapatan si Vice!

Cabanatuan City ang location sa Instagram account ni Kris Aquino kaugnay ng taping niya ng bagong show na ang hashtag lang na kanyang inilagay ay #TripNiKris.

Ramdam na ramdam naman ni Kris ang pagka-miss sa kanya ng followers niya dahil kinuyog siya sa location, huh! Nasa ibang lugar naman siya ng probinsya.

“Super sarap ng feeling that you missed me & happy kayo to see me again. #TripNiKris #March2017.”

Ayon sa followers niya, binisita ng TV host-actress ang Minalungao, Nueva Ecija at tinikman ang Puno’s ice cream sherbet.

Komento ng isang follower niya, ang show ni Vice Ganda tuwing Linggo ang makakasagupa ng show ni Kris. Iminungkahi ng kanyang tagahanga na gawing Sabado ang show para panoorin ito.

MAINE BINALAHURA ANG SARILI SA LUHA

Walang keber si Maine Mendoza kung mabalahura ang byuti niya kaugnay ng birthday celebration niya kahapon sa Eat Bulaga.

Inilantad niya ang pagiging kikay niya sa interpretative dance nila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng kantang Luha.

Gumulong sa sahig, pinapangit ang mukha, ginulo ang buhok sa interpretation niya sa kanta pero game na game pa rin siya, huh!

“Yan po si Maine! Walang kaarte-arte at pagbabago sa katawan!” sambit ni Jose.

 

vuukle comment

ANGELICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with