^

PSN Showbiz

Ronwaldo may curfew, hindi rin pinayagan ni Coco na maghubad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang inamin ni Ronwaldo Martin sa presscon ng Bhoy Intsik na ‘pag nasa bahay pa lang siya ay sinasabi niya sa kanyang sarili na hindi siya kakabahan sa harap ng press people. Paalala pa niya sa sarili, gagalingan niya ang pagsa­got sa tanong ng mga reporter.

Hindi lang nasusunod ang gusto ni Ronwaldo dahil ‘pag ini-interview na, nahihiya na naman ito kaya madalas ay one-liner ang mga sagot niya. Nagpapatulong itong sumagot kay Leo Bukas sa pamamagitan ng pagpisil sa tuhod o kaya’y ti­ting­nan ang kaibigang reporter ng kuya niyang si Coco Martin.

‘Katuwa na pati sa pagsagot, “very raw” si Ronwaldo, bagay na nagustuhan ni direk Joel Lamangan sa kanya. Si direk Joel ang pumili kay Ronwaldo sa role ni Marlon Pogi at isinama sa bidang si Raymond Francisco sa role ni Bhoy Instik.

Pang-sixth movie na ni Ronwaldo ang Bhoy Intsik at muli siyang nagpakita ng ga­ling sa pag-arte. Isa ang pelikula ng Frontrow Entertainment sa finalist sa Sinag Maynila Film Festival na tatakbo mula March 9 to 14. Showing ito sa SM Megamall, SM North EDSA, Gateway Mall, at Glorietta 4 cine­ma.

“Humihingi ako ng tips kay Kuya sa acting lalo na ‘pag crying scene dahil nahihirapan akong umiyak dahil masayahin ako. Sabi niya, isipin ko lang ang malulungkot na nangyari sa buhay ko. Nakaiyak din naman ako sa shooting, lalo’t takot akong mapagalitan ni Joel Lamangan,” sagot ni Ronwaldo sa tanong kung nagpapatulong siya kay Coco sa pag-arte.

Gusto rin niyang sumikat gaya sa kanyang kuya, pero sa indie film muna siya sasabak.

Sabi pala ni Ronwaldo, ayaw ni Coco na mag­hubad siya sa pelikula, kaya hindi niya muna ito ga­gawin. May curfew din siya sa kapatid up to 9 p.m., at si Coco ang may hawak ng kanyang pera at binibigyan lang ng allowance. Ito’y kahit hindi sila magkasama ng bahay, sa Novaliches siya nakatira with his dad at kapitbahay niya ang non-showbiz GF na nakilala na ni Coco.

Inamin din nitong hindi niya kaya ang pang-mayamang role, nahihirapan daw siya at mga pang­kalyeng role lang siya. Kaya at home siya sa mga ginagampanang role gaya ng sa Bhoy Intsik na la­king kalye at manggagantso, gaya rin ng role ni Raymond.

Agawan nina Ryza at Sunshine kay Gabby puwede raw sa primetime

Pang-primetime ang rating ng Ika-6 Na Utos, kaya hirit ng netizens ay dapat sa primetime slot ini­lagay ang Afternoon Prime ng GMA-7. Pero sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Sunshine Dizon.

Na-capture raw ng teleserye ang target audience na gusto nila at ni direk Laurice Guillen na mga nanay at mga nasa bahay lang. Nakakatuwa na after each episode, nagpu-post agad ng comments at nagsi-share sa iba ng nangyari sa karakter ni Sunshine.

Nagsimula na rin ang ta­ping ng Impostora, ang ipapalit sa Ika-6 Na Utos at nagre-react ang viewers dahil ayaw nilang matapos na ito. Ang request nila na malabong pagbigyan ng network ay ‘wag tapusin ang teleserye at ilipat lang sa primetime.

BF ni Maxine tina-try kay Glaiza

Aprub sa Encantadiks na magkakaroon ng lovelife si Pirena (Glaiza de Castro) sa katauhan ni Marx Topacio na gumaganap sa role ni Azulan sa Encantadia. Tatawagin ang tambalan ng dalawa na Azpiren for Azulan and Pirena.

Ang ganda ng pinost na pictures ni direk Mark Reyes sa bagong tambalan at may mga kinikilig na sa bagong takbo ng istorya ng fantaserye. Sana, walang violent reaction ang supporters nina Marx at Maxine Medina at i-bash si Glaiza. Aktingan lang ang gagawin nina Glaiza at Marx, pagdagdag ng excitement lang sa Encantadia.

 

vuukle comment

RONWALDO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with