^

Probinsiya

3 anak pinatay sa sakal ng ina

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkakapatid na bata matapos silang sakalin ng sariling ina habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Caliguian, bayan ng Burgos, Isabela noong Miyerkules ng gabi. ?

Sa ulat na nakarating kay ni P/Senior Insp. Randy Cabaddu, hepe ng Burgos PNP, isinailalim na sa kustodiya ng pulisya ang suspek na si Marilyn Foronda matapos ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mga anak na sina Adam MC Wane, 3; Stephen Dane, 2; at ang tatlong buwang gulang na sanggol na si Shansa Sara Foronda.?

Nadiskubre ang pagkamatay ng tatlong bata nang makita ng mga biyenan ng suspek na tulalang naglalakad ang panganay na nakatakas na si Nisha Foronda, 7, sa kalsada kahapon.?

Ayon kay Nisha, magkakasunod na sinakal ng sariling ina ang kanyang mga kapatid na natutulog.?

Nabatid din na sa panggigigil ay piniga pa ng suspek ang mga binti ng kanyang sanggol, ayon pa kay Cabaddu. ?

Nakatingin sa malayo ang misis sa harap ng mga bangkay nang madatnan ng mga pulis na rumesponde.?

Nalaman na nasa abroad ang mister ng suspek na isang seaman na naglayag may tatlong buwan pa lamang ang nakalipas.

Ayon sa mga kaanak,  parating mapag-isa ang suspek na nagkukulong sa bahay mula nang manganak na sinasabing karaniwan dumadapo ang postpartum syndrome sa mga ina na kapapanganak pa lamang.

vuukle comment

RANDY CABADDU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with