^

Krema

Krema (6)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAS gustong inumin ng kanyang Tiyo Mon ang tuba kaysa sa dala niyang imported na alak. Ang may limang litro ng tuba na kinuha nito sa karitan ay halos naubos nila. Masarap ang tuba. Ma­na­mis-namis. Unti-unti ang mararamdamang pagkalasing. Suwabe ang init sa punong taynga.

“Bagay na bagay ang kare-kareng pugo sa tuba ano Lex? Ngayon ka lang uli nakatikim nito. Kasi ngayon mo lang ako naisipang dalawin. Palibhasa ay isa lamang akong magsasaka kaya siguro ayaw mo akong pasyalang madalas,’’ inulit naman nito ang naunang sinabi.

“Hindi po Tiyo, busy lang talaga ako sa trabaho. Sa diyar­­yo nga po ako nagtatrabaho.’’

‘‘Ano nga ang trabaho mo?’’

“Account Executive ako Tiyo.’’

“Ano yun?’’

“Nagso-solicit po ng advertisement, Tiyo.’’

“Tang-ina, hindi ko alam ‘yan. Mabuti pa uminom na lang tayo.’’

Sinalinan ni Tiyo Mon ang baso ni Lex.

‘‘Magpulutan ka o. Tapos sabayan mo ng inom. Ang sarap.’’

Napansin ni Tiyo Mon na kakaunti na lang ang pulutan  sa pinggan. Tinawag si Krema.

‘‘Krema Mahal, lagyan mo nga ng kare-kare itong pinggan. Ang sarap ng luto mo!’’

Lumapit si Krema at di­nampot ang pinggan. Hindi ito tumitingin kay Lex.

Nagtungo sa nilalagyan ng pulutan at nilagyan. Dinala sa dalawang nag-iinuman.

“Ayan o ang dami. Ang sarap talagang magluto ng mahal ko. Di ba Krema Mahal?’’

Ngumiti at tumango lang si Krema. Umalis na ito at nagtungo sa may lababo para ituloy ang paghuhugas.

“Mahal na mahal ko yan. Hindi ako nagkamali sa pag­kupkop sa kanya.’’

Nagulat si Lex sa sinabi. Nagtataka.

‘‘Anong pagkupkop, Tiyo Mon?’’

‘‘Sa atin-atin lang ito, Lex ha? Huwag mo nang ikukuwento sa mama mo at ayaw kong may makaalam pa. Ikaw lang ang pagkukuwentuhan ko dahil alam kong mabait ka at marunong magtagong sekreto.’’

“Okey po Tiyo. Hindi ko sasabihin kay Mama.’’

“’Yang si Krema ay anak ng kaibigan ko. Matalik kong kaibigan na isa ring magsasaka. Biyudo na ang kaibigan ko at may isang anak – si Krema nga. Nang mamatay ang asawa niya isang taon na ang nakalilipas, para bang hindi niya matanggap ang pagkamatay ng asawa at nagkasakit. Ako ang laging tumutulong sa kaibigan ko. Ako ang nagdala sa ospital nang minsan ay atakehin --- stroke daw. Naparalisado. Mga ilang buwan si-guro bago ito namatay, may sinabi sa akin, ako na raw ang kumupkop kay Krema. Wala raw siyang kamag-anak dito sa Villareal dahil dayo lang sila rito. Huwag ko raw pababayaan si Krema. Ang huling sinabi niya ang labis kong ikinagulat, kung gusto ko raw ay si Krema na ang gawin kong asawa. Biyudo naman daw ako. Nasa hustong edad na naman daw ang anak niya kaya wala raw problema.  Noong una hindi ako makasagot ng “oo” sa kanyang mga habilin dahil nagulat ako. Pero sa tuwing mag-uusap kami, lagi niyang sinasabi iyon. Wala raw ibang kukupkop kay Krema dito sa Villareal kaya sa akin niya inihahabilin.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with