^

Pang Movies

Sikat na drama actress, hinahanap-hanap ang syotang tomboy!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Unforgettable para sa magandang drama actress na ito ang kanyang naging relasyon sa kapwa niya babae. Na-link sa iba’t ibang mga guwapong lalaki si drama actress noon at nagkaroon pa ito ng non-showbiz boyfriend. Pero hindi rin nagtagal ang naging relasyon niya dahil ang pinag-awayan nga nila ay ang patuloy na pakikipag-usap pa rin ni drama actress sa lesbian lover niya.

Hindi nga basta-basta na lang makakalimutan ng drama actress ang lesbian lover niya dahil malaki ang naitulong nito sa kanya noong down na down siya sa kanyang buhay.

Dumaan kasi sa matinding depression si drama actress at akala niya at mababaliw siya dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang pinakamamahal niyang boyfriend. Sumama kasi ang boyfriend nito sa kanyang best friend kaya lalong siyang na-depress. Nagkataon na ang hiningahan niya ng sama ng loob ay ang kaibigan niyang babae na hindi niya alam ay isang lesbian. Nalaman na lang niyang lesbian ito nang mag-open up ito sa kanya at sinabing mahal niya ang drama actress noon pa.

Dahil sa sobrang galit ni drama actress sa mga lalaki, pumayag siyang pumasok sa isang lesbian relationship. Naging maayos ang buhay ni drama actress at muling nagkasigla sa kanyang trabaho. Pero dumating na ang panahon na kailangan na nilang maghiwalay. Para na rin daw ito sa ikabubuti ng career ng drama actress.

Pero hindi naman naputol ang pag-uusap nila. Kapag malungkot si drama actress, si lesbian lover niya ang kanyang tinatawagan. Kaya naman sobrang selos ang naramdaman ng non-showbiz boyfriend ni drama actress dahil parang naiinsulto siya sa pagkakaroon ng lesbian lover ng girlfriend niya.

Feeling niya ay hindi niya napapaligaya ng husto ang drama actress kaya bumabaling pa rin ito sa isang lesbian.

Iiwan muna ang trabaho sa senado Pacman biyaheng Amerika

Naghahanda na si Senator Manny Pacquiao para sa kanyang nalalapit na laban sa Las Vegas on November 5. Dahil dalawang linggo na lang bago ang laban niya with Jessie Vargas, iiwan muna ni Pacman ang kanyang trabaho sa senado para ipagpatuloy ang kanyang training sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California.

Magaganap ang laban sa Thomas & Mack Center on the campus of the University of Nevada-Las Vegas.

Naging mahirap para kay Pacman ang ipagsabay ang training niya rito at ang trabaho niya sa senado. Pero dahil sa maayos na schedule niya ay nagawa niya ito ng maayos.

“It is all about discipline and time management.

“Boxing is my passion and public service is my calling. I will continue to travel both roads as long as I can do both effectively.

“I dedicate the fights I take on to my fans and my countrymen. They have kept me in their prayers. I fight to bring glory to the Philippines whether I’m wearing boxing gloves or standing on the floor of the senate,” pagtapos pa ni Manny Pacquiao.

Kitchie Nadal tuloy ang pagbuhay sa OPM

Hindi naniniwala ang multi-platinum recording artist na si Kitchie Nadal na patay na ang Original Pilipino Music or OPM. Naniniwala ang singer na buhay na buhay pa rin ang OPM dahil sa mga emerging singers and bands na gumagawa ng kanilang sariling mga musika sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.

Ayon kay Kitchie: “Some people say that OPM is dead but I would agree more on those people who say that it’s not ‘cause there are so many indie bands, so many bars and so many musicians.”

Ginawa pang example ng singer ang programang Eat Bulaga dahil sa pagdiskubre ng show sa mga bagong sibol na musicians.

“Even in Eat Bulaga, they feature musicians on Music Hero.

“Ang daming mga bata, even on YouTube, and they make their own songs.

“I’m happy that there are so many young ones and that they’re given the opportunity to showcase their talent, their songs,” diin pa niya.

Malaki na raw kasi ang pinagbago ng panahon ngayon, lalo na sa mga singers ngayon. Mas mabilis na raw nakakarating sa maraming tao ang music dahil sa social media.

Kaya nagpapasalamat si Kitchie na may online concert platform na Playlist dahil nakaka-reach out siya sa maraming OPM lovers sa iba’t ibang parte ng mundo.

“I’m happy that we have this opportunity to share new songs.

“The Playlist is really great because sobrang daming Pinoy all over the world na nanonood talaga sila online,” ngiti pa niya.

Former lead vocalist ng bandang Mojofly si Kitchie Nadal. Noong magkaroon siya ng solo career, naging phenomenal hit ang single niyang Huwag Na Huwag Mong Sasabihin na ni-release noong 2004.
Ang kanyang 2004 self-titled album na Kitchie Nadal ay umabot na sa Diamond Record status.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with