^

Police Metro

Tandem pinabulagta

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang magpinsan na magkaangkas sa isang motorsiklo matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek noong Sabado ng madaling araw sa  Caloocan City.

Kinilala ang magpinsan na nasawi na sina Allan Keith Malazarte, 42, binata, at si Joseph Malazarte, nasa hustong gulang at kapwa naninirahan sa Brgy. 178, Camarin, ng naturang lungsod.

Batay sa naantalang ulat na ipinadala ng Caloocan City Police-North Extension Office, dakong alas-12:55 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa magpinsan sa may harapan ng entrance gate ng Green Valley Subdivision, sa may Phase 6 Brgy. 178, ng naturang lungsod habang magkaangkas sa isang itim na motorsiklo.

Nang respondehan ng mga otoridad ang lugar ay natagpuang patay ang magpinsan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa pamamaril kabilang ang pag-alam sa background ng mga biktima upang makakuha ng lead.

vuukle comment

PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with