^

Punto Mo

Mga batang lansangan sagipin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SANA ay matutukan na rin ng susunod na administrasyon ang tungkol sa mga paslit na naliligaw ng landas.

Ito ang mga batang palaboy na hindi libro ang bitbit sa araw-araw, kundi supot na plastic na may lamang rugby.

Alarming na talaga ang pagdami ng mga batang ito na kumakalat sa mga pangunahing lansangan kung saan lantaran ang bisyo ng mga ito.

Madalas pa rin tong masusumpungan na palipat-lipat nang sabit sa mga pampasaherong jeepney at nanghihingi sa mga pasahero.

Imbes na kaawaan ay kinatatakutan na ang mga batang ito. Mistulang bangag na bangag at wala na sa sapat na pag-iisip dahil sa kasisinghot ng rugby.

Hindi pa rito, natatapos ang problema sa mga batang ito kundi madalas rin na kapag wala nang perang pambili para sa kanilang bisyo, nasasangkot na rin sa petty crimes, katulad ng pang-aagaw ng bag o alahas ng mga dumadaan maging ang mga pasahero sa jeepney, pandurukot at iba pa.

Sana ay lubusang mapalakas o mapalawak ang papel ng DSWD ukol sa mga batang ito. Parang kulang ang kanilang programa para sa mga batang ito.

Marapat lang silang masagip sa ganitong kinasadlakan habang may oras pa dahil baka dumating ang araw mas lalong problema ang kanilang dala.

vuukle comment

CEBU CITY

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with