^

PSN Showbiz

Marlon inirampa ni Pia sa kanyang tribute!; Acting ni Aljur damay sa pagbubuntis ni Kylie

POR VIDA - Pilipino Star Ngayon
Marlon inirampa ni Pia sa kanyang tribute!; Acting ni Aljur damay sa pagbubuntis ni Kylie
Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger

SEEN: Si Aljur Abrenica ang pinagbubuntunan ng galit ng fans ni Kylie Padilla dahil sa balita na buntis ang girlfriend niya. Wagas ang mga pang-aalipusta sa acting talent ni Aljur.

SCENE: Hinihintay ang pagsasalita nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica tungkol sa isyu na malapit na silang maging mga magulang. Nasa wastong edad na sina Kylie at Aljur para bumuo ng pamilya.

SEEN: May mga nagpapantasya sa sizzling kissing scene nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang beach resort sa Fiji Island. Nag-celebrate si Richard ng 33rd birthday sa breath ta­king Fiji Island.

SCENE: Lead actress ng Swipe si Meg Imperial. Pelikula ng Viva Films ang Swipe na may playdate sa February 1.

SEEN: Ang claim ni former Bb. Pilipinas Universe 1982 Ma. Isabel Lopez na banned pa rin siya na dumalo sa Bb. Pilipinas events dahil ayaw sa kanya ni Stella Marquez de Araneta, ang founder ng Bb. Pilipinas Charities, Inc.

SCENE: Pagod na pagod na ang mga kandidata ng 65th Miss Universe dahil hindi sila nawawalan ng mga event na pinupuntahan na libre lahat at kasama sa activities nila bilang official candidates.

SEEN: First public appearance together ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger sa Tribute to A Queen na ginanap noong Linggo sa Sofitel.

Tribute kay Pia ang event na dinaluhan ng mga opisyal ng Miss Universe Organization at ng 86 candidates ng 65th Miss Universe.

SCENE: Diringgin ngayon sa senado ang panukala ni Senator Tito Sotto na magkaroon ng film festival para sa indie movies tuwing summer vacation at ibalik ang mainstream movies sa annual Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment

MARLON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with