^

Probinsiya

2 patay sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 45-anyos na konsehal ng barangay at isa pang mister sa naganap na magkahiwalay na insi­dente ng pamamaril sa bayan ng La Libertad, Negros Oriental noong Biyernes ng hapon.

Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang  unang biktima na si Kagawad Jojo Gantalao ng Barangay San Jose sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo ang biktima kung saan nagawa pang maisugod sa Guihulngan City District Hospital pero idineklarang patay.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal .45 pistol.

Samantala, dakong alas-5 naman ng hapon nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan ang biktimang si Filomeno Vergara sa Barangay Pisong sa bayan ng La Libertad.

Nagawa pang maisugod sa Guihulngan District Hospital ang biktima pero nabigong maisalba ang buhay. 

vuukle comment

PATAY SA PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with