Drug den ni-raid: 2 may-ari, 21 iba pa tiklo
MANILA, Philippines – Arestado ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police ang sinasabing dalawang drug den owner at 21 iba pang drug personalities sa inilatag na drug bust operation sa Talisay City, Cebu. Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, dalawang bahay ang pinasok ng mga awtoridad na pinaniniwalaang drug den sa Sitio Ratan, Barangay Tanke sa nabanggit na lungsod. Bunga nito, arestado ang sinasabing may-ari ng drug den na sina Richard Macuto, 35; at Bernilito Padillo, 25. Gayundin ang 21 iba pa na sinasabing mga tauhan sa drug den at ang iba ay customer. Nakumpiska sa mga suspek ang 34 pakete na may shabu (100 gramo) at ibat ibang drug paraphernalia.
- Latest