^

PSN Showbiz

Pepe, JC, at Christian aalis na sa anino nina Coco, James, at Paolo

STAR CIRCUIT - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pumirma na sa Regal Films ang nanalong Best Supporting Actor sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 na si Christian Bables. Marami ang hindi agad malimot ang performance niya bilang Barbie sa Die Beautiful. Halos umagaw siya ng kasikatan sa nanalong Best Actor na si Paolo Ballesteros. Apat na pelikula ang gagawin niya sa kumpanya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Bago ito ay mapapanood ang biopic niya sa Magpakailanman.

Si Chito Roño ang hahawak ng unang pelikula niya sa Regal.

Samantala, mawala mang sandali si Pepe Herrera, ang namatay na sidekick ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano, meron naman itong nagawang isang pelikula para manatili siya sa alaala at hindi makalimutan ng manonood. Ito ang Sakaling Hindi Makarating ng Cine Filipino kung saan ay nabigyan siya ng Best Actor award. Kasama rin dito si JC Santos ng Till I Met You at si Alex Gonzaga. Bago siya umalis ay nakatapos na ng kanyang pagpapalabas ang Sa Wakas, isang musical na gumamit ng mga awit at komposisyon ng bandang Sugarfree at ni Ebe Dancel sa The Circuit ng Makati.

Hindi rin naman dehado si JC Santos. After Till I Met You kung saan ay isang beki rin ang kanyang role ay sasabak muna siya sa concert bilang guest ni B­ituin Escalante. Masipag ang humahawak ng kanyang karera na si direktor Andoy Ranay dahil isinasabak din siya nito sa isa pang konsyerto ng #Hashtags. May nakatakda rin siyang proyekto ka­tambal ni Kim Chiu at ang Buwan at Baril kasama naman sina Jackielou Blanco at Cherry Pie Picache.

Sa lakas ng impact na ginawa nila sa mga unang proyekto at sa ganda ng suporta na ipinagkaloob nila kina Coco Martin (Ang Probinsyano), James Reid (Till I Met You) at Paolo Ballesteros (Die Beautiful), makakaya kayang gawin nina Pepe, JC, at Christian ang mga proyekto na nakalinya sa kanila bilang bida at hindi suporta?

Maja babawi sa Wild Flower

Hindi lang artista si Maja Salvador ng indie film na I’m Drunk I Love You, kasama si Paulo Avelino, dahil siya rin ang kumanta ng theme song ng movie na Huling Gabi na komposisyon ng makatang si Juan Miguel Severo.

Matapos mabakante ng matagal-tagal ding panahon nang mawala siya sa FPJ’s Ang Probinsyano, ginawa niya ang Wild Flower, isang mapaghamong serye ng ABS-CBN kasama sina Joseph Marco, Vin Abrenica, Wendell Ramos, at Sunshine Cruz.

Malayung-malayo ang role niya sa babaeng pulis na ginampanan niya’t iniwan sa AP. Nasapawan tuloy siya nina Bela Padilla, Ritz Azul, at ngayon ni Yassi Pressman. Pero, bawing-bawi naman siya sa Wild Flower.

Empress balik-showbiz na

Nakatutuwa na ang daming kuwento na naririnig ang mga manonood ng Magandang Buhay tungkol sa mga paborito at nagiging paborito pa lamang nilang artista. Kamakailan ay nagkaroon sila ng update kay Empress Schuck matapos itong tumigil sa kanyang pag-aartista nang magbuntis.

Magbabalik sa kanyang pag-aartista ang maganda pa ring batang artista at napatunayan na marunong siyang umarte. Kasama ni Empress na nag-guest ang kanyang cute na anak na si Atalia at ang ama nito na puwede ring artista. Pero ang isa sa naging pinakatampok na istorya ng pang-umagang palabas na host sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ay ang istorya ni Ritz Azul na puwede palang isapelikula at sobrang makabagbag damdamin.

Tama lang na sumikat bilang artista ang dating prinsesa ng TV5 dahil bukod sa maganda siya ay marunong pang umarte, magandang bunga ng kanyang pagtatagumpay bilang artista ang naging napakahirap nilang buhay dito nang umuwi sila mula Saudi Arabia. Sobrang hirap ng dinanas nila. Nagbago lamang ang lahat nang mapunta siya ng TV5. Kaya pala mahusay siyang umarte, marami siyang napaghuhugutan.

Alden at Sarah ang lakas ng kilig

Hindi makaaapekto kay John Lloyd Cruz ang pagsasama nina Sarah Geronimo at Alden Richards sa isang commercial na baka mauwi rin sa pagsasama nila sa isang pelikula. Alam naman ng Viva at maging ng Star Cinema kung ano ang prayoridad ng Pop Princess na handa nang maging aktibong muli sa kanyang pag-aartista.

Ang siguradong maaapektuhan ay ang fans nina Alden at Maine Mendoza. Hanggang ngayon ay hindi pa nasisemento at napapatag ang tambalan ng dalawa na mayroon nang ginagawang serye sa GMA.

Concert ng The New Minstrels at The Company inaabangan

Kaabang-abang ang Happy Together Valentine concert ng Viva Live na magtatampok sa dalawang kilalang grupo ng manganganta, ang The New Minstrels at The Company. Siguradong dudumugin ng maraming music buff ang palabas na magaganap sa Plenary Hall ng PICC sa February 13.

Kung ang palabas na magkahiwalay ng dalawang grupo ay tinatao, ‘yun pa kayang magkasama sila na siguradong panonoorin ng maraming may edad na mahilig sa musika at may perang pambili ng tiket ang hindi? Kasama rin sa show sina Joey Albert at Chad Borja.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with