^

Probinsiya

Kagawad dinedo sa videoke bar

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi na natapos ng 39-anyos na barangay kagawad ang pag-awit sa videoke matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Barangay Davila, bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong Biyernes ng hatinggabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang napatay na si Kagawad Vincent Manzano ng Barangay Dilavo. Ayon sa nakasaksing si Almie Gracilla, isang lalaki na naka-face mask at berdeng long sleeves ang lumapit sa lamesa ng biktima saka niratrat ito sa ulo at katawan. Palakad na lumayo ang gunman papunta sa kanyang motorsiklo na sinakyan nito sa pagtakas. Natulala naman matapos matalsikan ng dugo ang kaibigan nitong si Ronald Edurise ng Brgy. Sulongan. Tatlong basyo ng bala ng cal.45 pistol ang narekober ng mga imbestigador sa crime scene. Kinumpirma naman ng pulisya na wala sa drug watchlist ang biktima.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with