^

Punto Mo

Tokhang sa sugal lupa, paano ipatutupad ng PNP?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI maarok ng Philippine National Police (PNP) kung paano nila maipatupad ang kautusan ni DILG Sec. Mike Sueno na Oplan Tokhang laban sa illegal gambling. Noong nakaraaang linggo kasi, nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro ang mga opisyales ng PNP sa pamumuno ni Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario, ang deputy chief for operations ng PNP sa Camp Crame at ang topic ay kung paano ipapatupad ang Oplan Tokhang sa illegal gambling. Abot naman kasi ni Apolinario na malaking bahagi ng 160,000 kapulisan sa bansa ay namantikaan na ang mga nguso sa illegal gambling at paano nila sabihin na ihinto na ito? Maraming suggestion ang ibinato kay Apolinario subalit inaamin ng mga opisyales ng PNP na hindi nila sigurado kung magtatagumpay ang kampanyang ito. Kung uumpisahan ng PNP ang Oplan Tokhang sa buwan na ito, saan kaya patutungo ang kampanya laban sa illegal gambling na iniutos ni Sueno? Hehehe! Baka lumabas na katawa-tawa ang PNP kinalaunan.

At dahil sa Oplan Tokhang sa illegal gambling, ang lahat ng intelligence unit ng mga Region at probinsiya sa bansa ay inutusang magsumite ng listahan ng gambling lords sa Directorate for Intelligence (DI) ng PNP. Nadismaya ang mga kosa ko sa Camp Crame dahil ang nakalista lang sa mga report sa DI ay yung mga piyaet-piyaet o pi­pitsuging gambling lords at nawawala ang mga matawag na bigtime na ang mga pangalan ay laman nang usap-usapan sa kalye. Eh sa listahan pa lang ay semplang na ang Oplan Tokhang eh sa kampanya pa kaya? Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, iniiwas na ng intel units ang mga bigtime gambling lords sa lugar nila kaya may posibilidad na kapag ipinatupad ang Oplan Tokhang, ay magli-leak ang operation laban sa kanila, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Kung sa kampanya laban sa droga ang maliliit lang ang tinatamaan, dito sa war vs illegal gambling ganun din kaya? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na may nagsuhestiyon na gayahin ang estratehiya noon ni dating PNP chief at sa ngayon ay Sen. Ping Lacson kung saan nag-utos ito sa lahat ng operating unit ng PNP ng “no take” policy sa illegal gambling. At pagkatapos ng tatlong buwan, ay simulan ang walang puknat na pagsalakay sa mga puwesto ng gambling lords para masabing walang utang na loob na ang PNP sa kanila. Kaya lang, paano naman makasiguro ang PNP na talagang walang kukuha sa mga operating unit nila eh may kanya-kanya silang mga tinatawag na tong collector? Baka naman kahit naibando pa na hindi sila kukuha, ay palihim na tumatanggap ang mga tong collector at pag nagkataon ay sila ang kikita ng limpak-limpak na pitsa na para sa opisyales ng pulisya nga? Hehehe! Sino ba ang ayaw ng pitsa? Kahit nga ang Office of Internal Security (OIS) ni Sec. Sueno eh may lingguhang parating! Boom Panes!

Kapag naipatupad na itong Oplan Tokhang sa illegal gambling, nangangamba si Apolinario na baka walang matira sa kapulisan natin. Kasi nga, madaming pulis na umaakto ding tong kolektor, tulad nina SPO2 Antonio “Tony” Villacorta at PO3 Ronnie Adlawan, ng Southern Police District; SPO3 Gener Presnedi ng Manila Police District  at SPO4 Roberto “Obet” Chua ng CIDG Manila. Itong sina Villacorta at Adlawan ay ginagamit ang pangalan nina Sueno, PNP chief Dir. Gen. Bato de la Rosa, NBI director Dante Gierran, at CIDG director Chief Supt. Roel Obusan. Kapag na-tokhang sina Villacorta, Adlawan, Presnedi at Chua, aba maniniwala na talaga ang sambayanan na seryoso si Digong na linisin ang PNP ng mga tiwaling miyembro, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Magsisilbing hamon kay Sueno sina VIllacorta, Adlawan, Presnedi at Chua, di ba mga kosa? Mismo!

Ang nakakalungkot lang ay kaya ipasasara ni Sueno ang illegal gambling ay para palakasin ang kita ng Small-Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Subalit bakit mo ipasara ang sugal-lupa eh di ba sugal din itong STL? Ipasara ang isang sugal subalit papalitan din ng isang sugal, ganyan ang kalalabasan, di ba mga kosa? Ano ba ‘yan? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with