^

Bansa

Anomalya sa NFA pinabubusisi

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasisilip ng ilang kawani sa National Food Authority (NFA) ang umano’y sumingaw na anomalya sa pag-aangkat ng bigas.

Ayon sa source, may kumikilos umanong personalidad sa loob ng NFA na ang interes ay palagiang umangkat ng bigas na ang kita ay di bababa sa P300 bawat sako o higit pa sa sandaling pumayag ang mga pribadong mangangalakal, kooperatiba at ilang korporasyon na maging dummy nila.

Ayon pa sa source, ang naturang personalidad ay sinasabing malapit umano sa tanggapan ni Administrator Jason Laureano Aquino.

Nabatid na ang pag-angkat ng bigas ay sa pamamaraan ng minimum access volume (MAV) at pati na rin ang government-to-government (G2G) na iskema.

Bagaman sinusuportahan umano ni Aquino ang mga nagtatanim ng palay ay patuloy din naman umano ang hiling nito kay Pangulong Duterte na umangkat ng di-bababa sa 250,000 metriko tonelada (MT) ng bigas kahit na patuloy pa ring umaani ang mga magsasaka.

May kaso umanong graft sa Sandiganbayan ang naturang personalidad dahil sa pagsusuplay ng sobra-sobrang mahal na fire truck at bihasa sa mga procurement sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan.

Pati anila mga nabibinbin na inangkat na bigas, o mga nakatengga sa Cebu at iba pang pantalan ay maaari na ring iluwas kapalit ang “buwis” na P50 kada cavan.

May sarili rin umanong bidding ang grupo at ang makapagbibigay ng “tamang” bayad ang makakakuha ng award sa pag-angkat.

Puna ng source, simpleng operasyon ito, bukod pa sa pinakamababang rebate ng $5 hanggang $10 na makukubra mula sa mga ‘nominated’ na barko na magdadala sa bigas mula sa India, Pakistan, Thailand at Vietnam.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with