^

Probinsiya

Jailbreak: 5 preso pumuga

-
ISULAN, Sultan Kudarat – Limang preso mula sa provincial jail ang iniulat na nagpasabog pa ng granada saka pumuga kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lalawigan.

Ang mga pumugang preso na may mga kasong carnapping at illegal possesion of firearms ay nakilalang sina Jinaid Duat, Edwin Sapalon, Jainodin Sultan, Abdul Torres at Halatodin Biah Acob na pawang residente ng Maguindanao.

Namimiligro namang masibak sa puwesto si Provincial Jail Warden Rolly Ampuyas dahil sa naganap na pangyayari bandang alas-2:30 ng hapon makaraang masalisihan ang mga guwardiya dahil sa dumagsang bisita.

Ayon sa ulat, nagpulasan ang mga guwardiya at bisita ng ibang preso nang magpasabog ng granada ang mga pumugang preso, kasabay naman ang biglaang inspection sa mga selda na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga itinatagong sumpak, baril at mga patalim. (Ulat ni Teng Garcia)

vuukle comment

ABDUL TORRES

AYON

EDWIN SAPALON

HALATODIN BIAH ACOB

JAINODIN SULTAN

JINAID DUAT

PROVINCIAL JAIL WARDEN ROLLY AMPUYAS

SULTAN KUDARAT

TENG GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with