^

Punto Mo

Service road sa Roxas Boulevard babawiin ng MMDA!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Desidido ang pamunuan ng MMDA na malinis sa mga sagabal o obstruction sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Roxas Blvd.  sa Maynila.

Una na nilang winalis ang illegal terminal at illegal vendor sa may Baclaran Church kung saan maluwag nang nadada­­­­­a­nan ang service road dito na labis namang ipinagpasalamat ng maraming motorista.

Hindi nga ba’t, 24/7 ang ginawang pagbabantay dito ng mga pulis at militar para lang tiya­king hindi na magsisibalik ang mga illegal vendors at terminal sa lugar.

Ngayon  ipauubaya na ng MMDA sa lokal na pamahalaan ang pagbabantay at  baka pagnag­laon ay muling dumilim sa obstruction ang naturang lansangan .

Dahil sa nakitang kailangan lang pala talagang mahigpit na maipatupad ang mga batas ay makikita ang resulta at tagumpay, kung kaya’t sa susunod na mga araw, target ng MMDA na  linisin ang   service road sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Mangangahulugan ito na nasa 100 mga establisimento rito ang maapektuhan, maging mga embahada hindi makakalusot dahil hindi na sila papayagang makapag-park pa sa service road.

Babawiin na ng pamahalaan ang daan na para sa mga motorista at mamamayan.

Magkasubukan kaya rito?

Dahil paano na ang mga kostumer o kliyente ng mga establisimento rito?

Malamang may papalag , kaya malaking hamon ito sa MMDA kung paano nila ito isasakatuparan.

Sakali namang magtagumpay, dapat ang isipan nila ng mas matinding paraan eh kung paano  maiibsan ang trapik sa kahabaan talaga ng EDSA, mukhang nagkakalimutan na rito dahil matindi pa rin ang kalbaryo ng mga motorista sa lugar na ito.

Iyan ang ating aantabayanan na sana ay mabigyan ng katugunan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with